Monday, August 17, 2015
Hi hello how are you im fine thank u

natatawa ko sa timehop ko. meron akong status na plate number ng taxi. seriously!?

naalala ko nga.. mejo madalas ako mag-taxi ako nun papasok ng opis. pag late na.. ganun. tapos kakatakot parang kelangan may mapagsabihan ako kung asan ako at ano plate number nung sinasakyan kong cab. e kaso wala ako matext. wala akong masabihan so status na lang sa social media haha! ndi naman sa totoo kong facebook. ung sa dummy account ko lang din na may iilang superfriends. ang weird.

tapos naalala ko din may nakakausap akong superfriend nun, kalaro ko sa pristontale.. tamang chat lang. since sya ung lagi ko nakaka chat minsan din ako nag-PM sa kanya ng plate number ng taxi. di ko na maalala kung ano sinabi ko sa kanya o kung nagtanong ba sya kung para san un. basta ganun nga ung ginawa ko.

tas naisip ko.. kawawa naman pala ako. bat ganun.. bat wala ako makausap? tapos nung saturday galing akong tarlac umattend ng kasal. 11:30 pm na ko nakauwi tapos wala pa si mama. so scary. gutom ako en everything. nakakapraning kasi nga ako lang sa bahay.. parang naisip ko.. sana may katext man lang ako. "nakauwi na po.. gutom" o kaya sasabihin ko wala si mama.. takot ako. wala. sasabihin ko lang di nya kelangan hatiran ako ng food o samahan ako o kung ano pa man. di nya kelangan magreply. basta may masasabihan lang ako. argh. ang loser ko haha.

o sya may trabaho pa. bukas na ung part two. may kadugtong pa sana tong emote ko e.

Posted at 04:20 pm by mae_nOodLe
KOMENTO ne  

Thursday, July 16, 2015
WHY

Si Julia.

Si Julia Buencamino. Yung teenstar na nag-suicide.. di ako nanunood TV kaya di ko sya kilala talaga. ngaun ko lang narinig name nya at ngaun ko lang din nakita face nya. nasa newsfeed ko sya last week dahil nga sa suicide nya. nabasa ko lang tapos chika konti. tapos ayun na. malilimutan ko na sya.

kaso nitong monday naman, nakita ko ulit sya sa timeline ko. tungkol naman sa lumabas na queued tumblr post nya. interesante diba.. wala na sya sabay biglang may post sya sa social media edi binasa ko. BAM! PANROMANTIC DEMISEXUAL daw sya. nagulat ako kasi alam nya ung term na un. malalaman mo lang ung term na un kung nagsi-search ka about sexualities eh. nagkataon naman ayun ung obsession ko nitong mga nakaraang araw. dahil nga feeling ko ASEXUAL ako. diba.

DEMISEXUAL - ibig sabihin hindi sya nagkaka-crush hindi sya basta basta naaattract sexually or romantically or naaarouse. maliban na lang kung may super strong emotional bond sila nung tao. ibig sabihin pwede lang sya mainlab or maarouse sa bestfriend nya or sino mang ka-close.

PANROMANTIC - ibig sabihin itong bestfriend na ito or itong taong super close na ito ay pwede maging girl, boy, bakla o tomboy. di nya nakikita yung gender. pag tinamaan sya ayun na un.

sinabi din kasi nya she made out with two girls and ayaw nya sabihin ung reason nya for suicide kasi baka i-judge sya ng mga tao. may nabanggit din sya about queerphobia. So sinasabi ng mga tao ngaun kesyo tomboy daw sya at natakot sya na di sya tanggap ng society blah blah blah. o nalilito daw sya sa pagkatao nya. e hindi naman sya nalilito. alam nya kung ano sya.. panromantic demisexual. asexual. ok. at hindi rin sya natatakot dahil ganun sya. tanggap nya ung sexuality nya.. kasi kung hinde, ndi naman sya papatol sa girl. kokontrahin un ng utak nya.

hindi rin sya lesbian. iba ung lesbian sa asexual. di ko alam bat ang hirap i-explain ng asexuality. o hirap ung iba na intindihin kung ano un. o baka dahil di nila matanggap na meron nga nun. ayaw nila maniwala kaya kinokontra ng utak nila.

sinabi ko din un sa friend kong lesbian. sabi nga nya lesbian daw si julia kasi nga pumatol sa babae. pano ba? ung mga lesbian pag nilandi ng maganda at sexy papatulan nila. or makakita sila ng chick lalo na kung alam nilang patola syempre may instant attraction na. yung panromatic demisexual hinde. nagkataon lang na babae ung friend nya.

alam din nitong friend ko na to ung tungkol sa nadiscover ko sa sarili ko. nakwento ko na sa kanya lahat. sure na sure akong asexual ako. alam ko un.. sexuality ko to eh. pero sabi nya i-try ko daw sa babae baka lesbian daw ako haha. ndi nga ko naaattract sa babae.. super straight girl ako. isa kong gray romantic. hetero romantic. ok!

ang hirap lang kasi wala nga naniniwala saken. pero ndi ko naman sila kelangan maniwala. basta alam ko kung ano ako. feeling ko din naman walang mali saken. anong problema? nagkakaproblema lang naman ako tungkol sa sexuality ko pag may namimilit makipagchorva. syempre ayoko nga diba! so hangga't walang naga-attempt saken super ok ako. ganun lang. pero ang mahirap sa gray romantics... naghahanap ka pa din ng makakasama. posible ba un?? cuddle cuddle lang with someone you really really like tapos hanggang dun lang. ang hirap maghanap ng straight guy na gray hetero romantic. pero may mga nababasa akong "success stories" ng mga girls na kagaya ko. nakapag-asawa naman pero asexual pa din sila. walang nabago kahit may asawa na at masaya naman sila.

30 na ko kaya siguro feeling ko ok na ko. pero nung teenager ako mejo mahirap din.. lagi akong depressed at may suicidal tendencies. naalala ko nga ganun ako.. super emo! halos everyday ako umiiyak. tapos kung iisipin dahil nga un sa asexuality ko. tapos may boyfriend ako. ang hirap.. ang weird. tas ngaun ko lang nalaman na may tawag pala sa "sakit" ko. ngaun ko lang nalaman na ok lang palang ganto ako. na normal lang palang hindi ako normal. hayy. whatever. julia... super na-sad ako talaga. sana nag-cake ka na lang. sana sumali ka sa group namin sa facebook.. maraming kagaya natin. andun maraming susuporta sayo. dun sa group na un di mo masyado mafi-feel na iba ka. kasi may mga kagaya ka. at iaassure ka nila na ok lang na ganto tayo. although di mo pa din sinabi kung ano nga reason mo. baka lang dahil dun.. or partly dahil dun.. atlis siguro baka makatulong pag nalaman mong may kasama ka. or may nakakausap ka man lang about dun. hayy. may binabasa nga pala akong book ngaun.. THIRTEEN REASONS WHY. uhm. tungkol sa babaeng nag-suicide din tapos may iniwan syang casette tape recordings. andun ung 13 reasons nya bakit sya nag-suicide tapos gusto nya mapakinggan un ng mga taong involved. grabe diba. nabasa ko na ung synopsis sa wikipedia. kinilabutan ako. aaargh sana pala di ko binasa. naexcite ako e! tapos magkakaron daw ng movie adaptation. sana matuloy.. 2013 pa un eh. tss. ayun lang muna. nadi-depress ako.

Posted at 10:23 am by mae_nOodLe
KOMENTO ne  

Monday, June 29, 2015
ASEXUAL BA KO??

Ni hindi ko pa alam kung ano ung "asexual" nun pero sabi ng opismate ko baka daw asexual ako haha. sabi ko naman. "ano tingin mo sakin, halaman!?"

dinedma ko lang sya nun sabay biglang nagpost ung Elite Daily ng tungkol sa asexuals. nabasa ko tuloy.. tapos para kong naka-relate. haha. ayun.. syempre kinonsulta ko na kay pareng google.

Asexuality and sexuality are not black and white; some people identify in the gray (spelled "grey" in some countries) area between them. People who identify as gray-A can include, but are not limited to those who:

- do not normally experience sexual attraction, but do experience it sometimes
- experience sexual attraction, but a low sex drive
- experience sexual attraction and drive, but not strongly enough to want to act on them
- people who can enjoy and desire sex, but only under very limited and specific circumstances

Iniisip ko swak ako sa GRAY-A eh. o kaya Gray-Romantic:

A gray-romantic (grey-romantic) is a person with a romantic orientation that is somewhere between aromantic and romantic. For example, a gray-romantic may:
- Experience romantic attraction but not very often.
- Experience romantic attraction, but not desire romantic relationships.
- Desire relationships which are not quite platonic and not quite romantic.

di ko masyado maintindihan ung mga labels basta para akong GRAY. hmm.

Posted at 12:22 pm by mae_nOodLe
KOMENTO ne  

Monday, June 29, 2015
INGAY!

Sabado. Linggo. 8 posts sa instagram. dalawa dun naka-share pa sa facebook. tapos tatlo pang additional posts sa facebook. wow! ang daldal ko haha.

naaawa ako sa sarili ko pag ang daldal ko sa social media. sobrang wala ba akong magawa at walang makausap!? hayy. kawawa.

sabi ko pa naman ayoko na mag-facebook-facebook na yan. minsan talaga nahihiya naman ako... parang feeling ko papansin. ganun. kelangan pa ba talaga ipost!? hinihingi ba nila opinyon ko. interesado ba sila sakin. haha. mga ganun.. kaya minsan nila-logout ko sa phone ko ung fb ko at instagram. e kaso syempre adik. ayun.. may private account ako. lol! dun naman ako mag-iingay or magsu-stalk.

siguro gusto ko lang ng kausap.. or gusto ko lang magsalita. ganun. kaya siguro baka dapat e mag-blog na lang ako. buti pa dito... bahay ko to. may makabasa man neto e di ko na kasalanan un. sinadya nilang puntahan to. hindi ung wala lang silang choice kasi nakita nila sa timeline nila. parang ganun.

ahhh. ano ba iniisip ko. wala naman ako mahalagang pinost. baka nga gusto ko lang magpapansin. pero hindi nga dapat ganun kasi nakakahiya. asan ang pride ko diba. lol. o sya. ganun na nga lang. ciao!

Posted at 12:07 pm by mae_nOodLe
KOMENTO ne  

Tuesday, June 09, 2015
amsatchaLOSER

Feeling ko ang loser ko.

Meron akong concert tickets.. isa for The Used saka isa for BIGBANG. Mag-isa lang ako. as in. tapos nag-book din ako ng flight to DAVAO. solo. ang loser diba. bat ganun.. diba usually pag manunuod ka ng concert o may out of town trip meron kang kasama magplano. meron kang gusto isama. may kasama ka mag-decide kung san pupunta. pero ako wala. nag-decide ako mag-isa. naisip ko lang gusto ko. tapos gora na. ganun.

ung sa bigbang con okay lang.. super friendly naman mga kpop fans eh. ung sa The Used mejo kinakabahan ako pero okay lang din siguro. concert un eh.. wala naman siguro makakapansin sakin. wala naman pakialamanan mga tao dun. kaya okay lang siguro kung mag-isa lang ako.

Yung DAVAO TRIP.. ewan ko. mejo windang ako nung mga panahong un tapos biglang may promo sa cebupac. ayun. dati ko pa naman sinasabi parang gusto ko i-try mag-travel mag-isa.. gusto ko lang. pero di ko alam kung kaya ko. pero gusto kong kayanin... kaya ko un diba. waaa... actually nagri-research na rin ako ngaun. iniisip ko pumunta sa Camp@Tagan. at Camp Sabros. syempre ganun ang trip ko eh.. ayoko nung cliche na davao city tour. although gagawin ko din sya kung may time siguro. gusto ko din pala ung crocodile park. at Samal Island. at Passig Islet. hmm. pano ko un pagkakasyahin lahat sa 4D3N?! Norte at Sur. wow! excited na ko hehe. pag natakot ako baka di ko ituloy. tutal Php800 lang un roundtrip. pero sayang diba? dapat wag magbago isip ko!!! anyway, February 2016 pa naman un hehe.

Natatakot talaga ako.. hanggang ngaun nag-aabang ako ng promo para pag meron magbu-book ako para sa mga superfriends. haha.

asan na ba ako. ayun. ang loser ko. andami ko gustong puntahan. panuoring movies. pero.. wala. basta. ang komplikado.

o sya. nag-bday nga pala ako sa Tagaytay. sobrang saya kasi ang ganda din ng IT ko. ikukwento ko sya pag may time hihi :)

Posted at 11:10 am by mae_nOodLe
KOMENTO ne  

Saturday, June 06, 2015
sik op tayrd!

Ayokong pinag-uusapan sa opis ang lablayp ko... Actually pag may nagtatanong sakin kung may boypren ako ang sinasagot ko lagi "WALA". Wala lang.... Para wala na masyado tanong. Ang hirap kasi sagutin ng follow up questions eh... "ILANG BUWAN/TAON NA KAYO?" "BAT DI PA KAYO KASAL?" "ANO WORK NIYA?" "ANO GAWA NIYA SA BUHAY?" WALEY!!!! NAKAKAIYAK! HAYY... Wag niyo sabihing nagmamadali ako please... LABINDALAWANG TAON na kong NAG-AANTAY!!!!! MAWAWALA na ung edad ko sa kalendaryo pero sya hayahay pa din my gosh!!! Sakit sa bangs kahit wala akong bangs.... Wala rin ako napagsasabihan ng ganto kase nakakahiya. in a way. lam mo yun. ang hirap kaya... pagod na pagod na ko!!!! Andami ko gustong gawin sa buhay.. gusto ko gumala-gala, pasyal-pasyal.. mag-beach.. mamundok.. out of town. pero ang bigat-bigat kasi kelangan laging FOR TWO ung budget ko!! di naman ako makaalis na di sya kasama.. ewan ko. hayy. Nakakapagod kase di kami kagaya ng ibang magjowa na nanunuod ng movie pag may bago. minsan lang... pag naisipan ko at may budget ako FOR TWO!!!! syempre hindi lang un sine. kasama food, pamasahe en everything. ang gastos makipag-date!!!! NASABI ko na ba sa kanya to? OO!!! maraming beses na. ang salbahe ko diba. pero ayaw nia makipaghiwalay. ewan. hayy. kaya mensahe ko sa mga kabataan... pag sinabi ng magulang niyo na wag mag-boypren ng maaga.. SUNDIN NIYO!!!!! malay mo nga kung kayo talaga ang magkatuluyan diba. di ka pa sure kung masipag yan sa trabaho o madiskarte. eh kung lasenggo pala at mabisyo!? patay na!!!!! kung single lang sana ako nung pumasok dito sa Crame edi ang dami ko sanang matinong prospect. hayy.

Posted at 10:41 am by mae_nOodLe
KOMENTO ne  

Tuesday, April 28, 2015
Laman For Sale

May hinahanap akong Message nung nakita ko ung mensahe nya sa "Other Messages" FOlder ko sa Facebook. nakakaloka!!! pangalawa na to. at alam ko sya din ung last year!




LOL. eto ung buong message nya haha


"hello mae. kumusta ka? i hope you're doing fine...ang ganda mo po. sexy pa & you look tall...i was surfing on facebook & nakita ko ang fb mo...pasensya ka na dahil mahaba ang email ko...mahaba para ma-explain ko ng maayos...my name is robbie, 26 years old & single...i work as a mobile & travelling financial analyst for petron philippines, accounting & finance department in manila...i live in makati but i'm originally from norzagaray, bulacan...please don't get angry. huwag ka sana magagalit please...makikiusap ako sa yo kung pwede mo ako samahan for 6 hours or even less than 6 hours sa any hotel in makati or pasay city or sa bonifacio global city...or any hotel na malapit sa lugar mo please...palagi akong pinapapunta ng employer ko (petron) sa iba't ibang provinces, cities & municipalities sa cordillera administrative region, region 1 (ilocos), region 2, region 3, ncr, region 4A (calabarzon), region 4B (mimaropa) & region 5 (bicol)...isa akong lagalag na field & mobile employee kaya kung saan saan ako pinapupunta sa entire luzon...hindi free kung sasamahan mo ko...bibigyan kita ng P30,000 for 6 hours pero for example ang gusto mo ay 5 hours dahil nagtitipid ka sa oras ay matatanggap ko yon because gustong-gusto ko ang very pretty face & sexy body mo...kelangan ko ibigay ang P30,000 not because may katumbas na halaga ang isang girl, but it's to show my appreciation & gratitude sa girl sa pagpayag & pagsama niya sa akin. ang very bad ko naman kung wala akong ibibigay sa girl to appreciate & thank her...discreet & walang iba na makakaalam (bantay/chaperone mo lang ang makakaalam)...ang gusto ko kasi sa girl ay slim or sexy na kagaya mo...that is kung okay sana sa yo, kung curious ka, kung gusto mo i-try & ma-experience, kelangan 18 years old ka or older, kelangan single ka, walang boyfriend & walang husband, & kung kaya mo sana please...hindi ko kasi makita ang relationship status mo on your facebook...but if you have a bf or if you're married ay wag ka papayag sa pakiusap ko & pasensya ka na dahil napakiusapan kita...ang ina-ask ko na girl na makasama ay yung kagaya mo na malinis, matino, walang sakit, hindi prostitute, & 18 years old or older...ang mga girls na pinapakiusapan ko & pumapayag na samahan ako they are usually office employees, shopping mall employees, factory employees, hospital & healthcare employees, school teachers, & college students kaya malinis, walang sakit, hindi nagdadrugs & decent silang lahat...ayoko sa prostitutes. mura daw kapag prostitutes pero malapit sila sa aids & death...saka hindi ako nambubuntis...kung okay sana sa yo ay ipapa-birth control bakuna (vaccine) kita sa any hospital or any ob-gyn clinic...kaya very safe ka sa akin, hindi ka mabubuntis & hindi magbabago ang magandang figure mo...tested also ako every month for hiv (aids) & other sexually transmitted diseases at st. luke's hospital. ipapakita ko ang mga test results na yon. free & one of the benefits siya as a petron employee...okay also sa akin na may kasama ka na 1 or 2 female friends mo para may bantay/chaperones ka non na kasama natin sa loob ng hotel room...para you will feel safe & comfortable dahil may bantay & kasama ka...may internet, tv, food & refreshment sa hotel room para you & your bantay will not get bored...pero ang piliin mo na bantay/chaperone ay yung trustworthy, hindi ka ichichismis & hindi ka ipapahamak...pero may mga girls na sinamahan ako na ayaw nila na may kasamang bantay/chaperone dahil baka ichismis & ipahamak daw sila, so it's up to the girl yon if she chooses na may bantay/chaperone siya or wala...no picture taking & no video recording para protected ka & hindi ka mapapahamak...if you're curious & gusto mo maka-experience ng masarap na sex na hindi ka mabubuntis, hindi ka magkakasakit, and safe at hindi ka mapapahamak ay samahan mo sana ako ng ilang hours lang naman please...if you have certain conditions para pumayag ka na samahan ako please let me know...wag ka magagalit ha please kasi adults na naman tayo pareho...and hindi ko pinipilit ang girl na samahan ako. masama ang namimilit kapag ayaw talaga ng girl...i respect a girl's decision if ayaw niya akong samahan because "no means no", so her decision must be respected.
Robb Zarmiento
13/03/2015 10:05
Robb Zarmiento
yung nakasama ko na nice girl last november 2014 she's 19 years old & 5'2" ang height niya...dito rin sa facebook ko siya 1st nakita & nakilala...she used to be a university student but now working at a supermarket in bocaue, bulacan (region three, pero malapit lang sa valenzuela, caloocan & NCR)...nag-iipon daw siya dahil gusto niya bumalik in college to finish her college degree...hindi daw siya kayang pag-aralin ng parents niya kaya nag-iipon siya & she's self-supporting...in a way eh nakakatulong ako financially...very naughty nga siya because nag-request siya ng sex pictures for her souvenir daw...kung ako lang i don't take sex pictures & no video recording dahil i'm protecting the girl's privacy & identity...ayokong mapapahamak ang girl kaya no sex pictures & no video camera recording...kaya kung sasamahan mo ako i will beg you myself na wag ka mag-request for sex pics or sex video because ayokong someday ay mapapa-trouble ka...pero si girl ang gusto niya ay sex pictures for her souvenir daw...but ang advice ko sa any girl na sinasamahan ako eh wag mag-request na magpakuha ng sex pictures or video for souvenir...very bad yon & the girl is asking for trouble pag may either pics or video or both...below are 3 of her pictures to prove na totoo ang sinasabi ko & my pictures also para makita mo ako...hindi nakikita ang face ng girl sa pictures para protected ang identity niya, hindi siya makikilala & para hindi siya mapapahamak...the 1st pic was taken by her sa bahay nila...i took the 2nd & 3rd pictures niya using my Nikon SLR camera in the hotel room because ni-request & gusto yon ni girl for her souvenir daw...gusto niya & curious daw siyang makita ang ginawa namin & gusto niya daw makita ang nice size ng 8 3/4 inches na penis ko kaya gusto niya ng souvenir pictures non...ang ganda nga ng vagina niya...pinili niya ang birth control vaccine kaya ipinabakuna ko siya...ang birth control bakuna is effective siya for 30 days or 1 month...sa luxent hotel in quezon city kami nag-stay ni girl...ipina-check & inspect ko sa kanya ang hotel room for video recording para malaman nila na walang video camera recording kaya very safe siya & never siya mapapa-trouble...kung gusto mo & if it's okay with you na mag-meet tayo kahit saang restaurant or shopping mall restaurant or jollibee or mcdonalds of your choice & dun ka mag-decide kung sasamahan mo ako or not ay okay sa kin yon...treat kita non & if you like eh magsama ka ng 1 or 2 female bantay/chaperones mo & treat ko kayo to lunch...reply ka po ha please & don't get angry please kasi hindi ko intention na galitin ka & nakikiusap ako ng maayos sa yo...i will understand kapag ayaw mo...and if you're happily married or happily engaged or if you have a boyfriend ay huwag mo ako samahan because i leave happily married women alone & i leave happy couples (bf-gf) alone. the institution of marriage should merit the highest respect & that's why i leave happily married women alone, and ayokong nakakasakit ng feelings ng lalake if a girl is married or engaged to him or she's his girlfriend because i'm a man too & i know how that feels...sinusunod ko ang sinabi ni confucius na "don't do unto others what you don't want others to do unto you"...that's why kapag in a happy relationship ang isang girl ay i leave her alone & hindi ako makikiusap sa kanya...i'm very hot-blooded & gigil na gigil ako maigi sa vagina pero very considerate, mabait & harmless pa rin ako...pero mukhang single & unmarried ka. kitang-kita kasi sa body mo na you're still single...kapag ayaw mo eh mag-reply ka sana ng kahit na simple na: "i'm not interested!" & don't get upset please. nakikiusap ako & hindi namimilit...ginagawa ko ito once every 1 or 2 months para may enough time ako makapag-save ng funds & energy...pasensya ka na uli dahil very lengthy ang both emails ko sa yo. napakahaba ng both emails ko para ma-explain ko ng tama & maayos. kindly reply. you take good care always. a prosperous 2015 to you.

di naman ako galit. natuwa pa nga ako e.. nakak-flatter kaya hehe. akalain mo.. may nagkainteres saken!? katawan ko pa ha! at di lang un. ang laki ng offer waha!! tawa nga ko ng tawa pinabasa ko din sa officemates ko ung message nya. natawa din sila.. kasi ang mahal ko daw! oh well... lol!

kaso sa kabilang banda.. kung iisipin.. nkakainis. at nakakainsulto. naisip ko.. bat ganun? gusto nya ko pero pang chorvahan lang? ano akala nya saken? hindi ba ako pwede pang jowa? kung gusto nya ko edi ligawan nya ko tapos malay mo mainlab ako tapos maging kami tapos ikasal kami o malay mo bumigay ako diba? kaso hinde.. gusto nya lang ako for 6 hours!!! anong klaseng babae ako? bat hindi pangmatagalan? nakakainsulto kaya! tss.

naawa lang ako sa mabibiktima nya kung sakali. saken kasi hindi ubra ung ganun. e pano kung makursunadahan nya ung mga naive na batang babae. kawawa naman pag nauto.. tsk. kawawa talaga mapapariwara sila.

ayoko ng pera pless. may pera ako! pag-ibig ang hanap ko ahaha!!!

Posted at 10:38 am by mae_nOodLe
KOMENTO ne  

Tuesday, April 28, 2015
FULLY BOOKED!

yay. excited na ko! dalawang tulog na lang.. ILOCOS TOUR na!!! hihi. ewan ko ba... february pa ung booking namin dun e hehe.

sarap ng schedule ko ngaun. sobrang naeenjoy ko talaga ung work ko sa government.. petiks lang e. tapos ganto. paalis alis lang ako kahit kelan ko gusto. first quarter pa lang ng taon pero andami ko ng napuntahan. Bangkok. Baguio. Batangas. Pangasinan. Tagaytay. Beach. Bundok. Anime Convention. concert. wow. ano pa ba mahihiling ko? ahh.. meron. PERA!!! kelangan ko ng maraming pera haha! saka kasama! ang hirap ng walang kasama. hay.

pag wala ko pera at gusto ko mag out of town lagi lang ako nasa Batangas. tapos kung sino sino lang kasama ko.

Sa MAY... feeling ko fully booked na rin ako e. first week batangas ulit at anniv ng Karinderia ni Mang Urot. Second Week Batangas Fortune Island. 3rd Week Pinatubo Tour yey! last week naman birthday ko na. Baka Borawan kasama call center friends. dun nila gusto e. Yung June ko merong Gulugod Baboy Climb. hmm... tapos July Concert ng Bigbang at The Used. August meron akong Boracay at concert ng All Time Low. Meron na ko tix for the used at all time low. OMG. ung BIGBANG na lang kelangan ko mag-VIP!!!!

kelangan ko ata ng raket haha. ang gastos ko!

inaabangan ko din ung piso fare.. gusto ko mag-Japan hihi.

Posted at 10:28 am by mae_nOodLe
KOMENTO ne  

Friday, January 23, 2015
LOVE. FAIR. UNFAIR.

Pano kung inlove sya tapos ikaw hinde pero magkasama kayo. sinong unfair, ikaw na hindi inlove o siyang inlove? Unang tingin parang ung hindi inlove ang unfair.. kase sasabihin ng mga tao pinapaasa nya ung inlove sa kanya. pero hello... mas unfair naman ung inlove!! sino sa kanila ang mas masaya, diba ung inlove? kase kasama nya ung mahal nya. masaya sya. e ung hindi inlove? masaya ba sya? hinde. kasi hindi sya inlove. UNFAIR!!! pakawalan na lang nya..... diba?

Posted at 09:42 am by mae_nOodLe
KOMENTO ne  

Next Page

Profile



View My Profile




Bob Ong Quotes


ang mga sipi mula sa mga libro ni bob ong ay may permiso
Komski Quotebox



Tagboard!




Miming Meow

Create Your Badge

Kalendaryo

<< March 2017 >>
Sun Mon Tue Wed Thu Fri Sat
 01 02 03 04
05 06 07 08 09 10 11
12 13 14 15 16 17 18
19 20 21 22 23 24 25
26 27 28 29 30 31


If you want to be updated on this weblog Enter your email here:






| HOME | ARCHIVE |

i Love Mii





Netizens




Credits

:: Designer
Bob Ong Books
Komski Quotebox




Blogdrive