
recession. eto ung word na nauso kamakailan lang.. well, sa kasamaang palad eh apektado kame. kami sa semperian. teka. secret lang ba dapat un.. bahala sila. basta semperian. eh pano.. ung program namin eh konektado sa mga kotse-kotse. may tsismis na nun na nag-file na daw kami ng bankruptcy. okay na sana kasi na-bail out daw kame nung january lang kaso ngaun.. ang balita eh hihinto na daw ng production ang saab at saturn tapos ung hummer hihiwalay na rin daw sa GM.. basta malaki epekto samen nun.
nagkakatanggalan samen ngaun.. hindi naman terminated. malilipat lang pala ng account kase todo ramp-up din ung isang account samen eh. tapus may mga magbubukas na bagong program. sa tingin ko eto ung mga nawalan ng trabaho sa U.S. kawawa naman... kase dito na sa plilipinas ibibigay ung trabaho nila. eh sori naman ganun talaga.
tapos kami naman sa csr/tsr.. serbisyong totoo? kaya daw magbabawas ng tao kasi dun sila magha-hire sa cebu. mas mura kasi ata ang pasahod dun. pero kung gusto mu lumipat ng cebu ok lang din.. may relocation package na 50,000 tapos hindi naman bababa sahod mu at mas mabilis ka ma-promote dun kase bagong tayo lang ung site. waw diba. kaso ayoko.. anu naman gawin ko sa cebu. pero marami-rami na rin ang lumipat sa cebu tapos in 2 weeks lilipad na rin ung dalawa kong team mates.. si melave at mami joan. hai. mamimis ko si melave kasabay ko un umuwi eh.. pati kasabay ko pumasok pag super late ang shift.
ayoko malipat.. ay hinde. ok lang pala basta kasama buong team. kagaya nung nalipat kami sa lease. sabi ko dati ayoko din dun.. kase mahirap.. training ulet en everything. pati ang kinukuha lng nila dun eh ung magagaling tapos may magandang stats. kase magdu-dual skill eh. nakakatuwa nga kse buong team kaming nag-train for lease eh hindi naman lahat kame maganda ang stats. sana ganun din ang mangyari if ever malipat kami ng program. kase kung ibabase sa stats nako maiiwan ako! huhu.. gusto ko kay chichi.. ayoko ng ibang TL baka mapa-resign ako ng wala sa oras.
di na ko umaasa maiiwan kami sa lease kasi ampangit ng stats namin ngaun simula pa nung december. baka malipat kami sa chase.. o sa maturity.. o dun sa bagong program na bubuksan. repo department daw un pati excess wear disputes. nako masakit sa ulo pero interesado si chichi.. gusto daw nia sa repo. bahala na. sa april pa naman malalaman kung ano mangyari samen. ok na saken kahit ano. hmp.
baka kelangan ko na mag-resign.. sali na lang ako sa pinoy big brother.
| maenoodle March 10, 2009 08:26 AM PDT ayy.. merun naligaw ahihi.. ala lang. boring na sa pt eh! balik blogging ako tuloy. | ||
| hokage24 March 9, 2009 10:44 AM PDT Anu nnmn b 2ng blog mo? My pgnyn gnyn k pa. Wahehehehe. =) | ||
| Leave a Comment: |
| Previous Entry | Home | Next Entry |
Profile
Bob Ong Quotes
Tagboard!
Kalendaryo
i Love Mii
Netizens
Takdang-Aralin
ProLangCredits
:: Designer