
Di ko alam kung bat ako napasakay sa bus na un.. nagmamadali ata ko mashado at di ko napansing super puno na sha. ordinary pa un di ko na nga matandaan kung anong pangalan ng bus. pero malamang santrans un or jft kasi galing pa sa sapang palay.
kung taga-tungko lang naman kasi usually isa ko sa mga unang pasahero. nakakapwesto pa ko sa paborito kong pwesto.. ung sa unahan ung sa pandalawahan.. tapos tamang steady lang para walang tumabi. sabi ni chichi nakakatakot daw ako tingnan pag nasa isang sulok tapos di gumagalaw. para daw akong multo sa korean horror movie.
lagi akong nasa harapan.. 2years na ang lumipas simula ng matuto akong sumakay ng bus mag-isa at isang taon na kong nagbabyahe araw-araw. nagba-bus ako pag papasok sa trabaho at pauwi. lagi akong nasa harapan.. or atleast sa gitna. pero kahapon? andun ako sa likod! di naman sa hinuhusgahan ko ung mga tao sa likod ng bus pero para kasing.. kadalasan sila ung mga nakakatakot.. basta. di ako komportable. masama talaga loob ko. pati gusto ko laging malapit sa pinto pati sa driver para alam nia pag bababa na ko hindi sha aandar agad.
ampangit sa pakiramdam talaga pambihira. ampangit ng pwesto ko. andun ako sa pinakadulo.. sa bandang gitna pa ng pahabang upuan. sa right side ko e si kuyang rakista may dala pang gitara. sa left ko naman isang ale.. kaso maya-maya may sumakay at tumabi sa left side ko. si ate kasi umurong pakaliwa! grabe ambaho nia.. amoy-alak na amoy-pawis? ewwness talaga! sa unahan ko sa bandang kanang upuan may mamang brusko na panay ang tingin saken shempre mahahalata ko un nasa harap ko sha eh. makikita ko pag lumilingon sha nakakainis talaga. eww din sha. sa bandang kaliwa namang upuan sa harap ko isang mejo may edad na lalake. ewan ko ha pero tingin din sha ng tingin. naisip ko tuloy baka holdaper sila at magkasabawat.
tumagal din ata ko ng 30minutes sa ganung pwesto. tulog ung dalawa kong katabi at nakakairita talaga kasi nakabukaka sila parehas. si kuyang rakista napapasandal pa saken kung minsan. buti sana kung gwapo. wew. joke lang. buti na lang bumaba din ung lasing sa left ko at maya-maya unti-unti na din akong nakalipat sa harap. mejo mahirap humanap ng pwesto kasi sa tuwing may bumababa merun din sumasakay.
nakailang lipat ako bago makarating sa harap. tapos ung bruskong mama pala lumipat din sa likod.. kaya pala sha lumilingon... kasi gusto nia dun sa pwesto ko! adik. tinitingnan nia kung may bakante na o kung may bababa samen. ngek. nakakahiya naman kay kuya napagkamalan ko pa shang holdaper. malay ko ba.
pero di na ko sasakay sa ganung bus ever. hmp.

sa sobrang sama ng loob ko nag-picture-picture na lang ako. waha. kairita. wala silang gana bumukaka. di ba nila alam nakakairita un?? naiipit ako! at ung legs ko! ayan! kawawa. aynako. haiz.
| jeff November 16, 2009 03:14 PM PST actualy ang galing mo! ha..add moko jef_it@yahoo.com tnx.. | ||
| maenoodle April 26, 2009 12:50 AM PDT shempre dapat quiet lang mag-picture.. nakakahiya naman sa kanila baka magising e! sarap ng tulog ng dalawang katabi ko grabe. | ||
| beyeh April 25, 2009 10:16 PM PDT nyahahha at nkuha mo pang magpicture ??? aduks kn tlga sa pic.. buti wlng sounds un pagclick? nyahahha.. | ||
| Leave a Comment: |
| Previous Entry | Home | Next Entry |
Profile
Bob Ong Quotes
Tagboard!
Kalendaryo
i Love Mii
Netizens
Takdang-Aralin
ProLangCredits
:: Designer