Wednesday, October 07, 2009
...

hindi ako magsasalita.

hindi ako magsasalita.

hindi ako magsasalita.

hindi ako magsasalita.

hindi ako magsasalita.

hindi ako magsasalita.

hindi ako magsasalita.

hindi ako magsasalita.

hindi ako magsasalita.

hindi ako magsasalita.

hindi ako magsasalita.

hindi ako magsasalita.

hindi ako magsasalita.

Posted at 05:01 pm by mae_nOodLe
KOMENTO ne  

Sunday, August 23, 2009
PG-13

matapos mapikon sa pang-aalaska at pambabara...

Mei: shit ka.

Kyo: fuck ka naman.

Mei: >,<

Kyo: ...bitch pa. ahaha!!! bitch.

Mei: asshole ka naman.

Kyo: bitch.

Mei: asshole.

Kyo: bitch.

Mei: asshole.

Kyo: bitch.

Mei: asshole.

Kyo: bitch.


repeat till fade...

ang nasa larawan nga pala.. ay si chi. ung kuting sa chi's sweet home. sobrang favorite ko na tong anime na to..

Posted at 02:13 pm by mae_nOodLe
KOMENTO ne  

Sunday, April 26, 2009
Sulat-kamay

yebba! tag mula kay karmi hehe.. salamat ng madami!

basta. sulat-kamay daw dapat.

(a) Write who tagged me,
(b) Answer the following questions:
(b1) my name/user name/pseudo,
(b2) right-handed or left-handed?,
(b3) my favorite letters to write,
(b4) my least favorite letters to write,
(b5) and I should write "the quick brown fox jumps over the lazy dog", and,
(c) Tag five other people.


mukang malinis sulat ko d2 waha.. panu. nakailang kopya din ako para magmukang matino sulat ko. nakakahiya naman kase.. pero sa totoong buhay ndi ganyan hitsura lalu na pag sa notebook ko sa school. hehe. pakita ko sana kaso natatamad ako maghalungkat ng gamit. saka ndi tabingi sulat ko.. guni-guni nio lang yan. ok.

may nakita rin pala kong gumawa ng gantong tag.. share ko lang un kay eloiski. naaliw ako eh.. kung may talent lang ako sa pagdodrowing at sa pagkulay ganun din sana ginawa ko.

muli. tina-tag ko sila beyeh at dhimple... at ikaw.. kung may nakakabasa man neto.. patingin ng sulat-kamay mu! nakakaaliw din gawin tong tag na to ah. 

Posted at 12:48 am by mae_nOodLe
Comments (3)  

Thursday, April 23, 2009
Kawawang ako

Di ko alam kung bat ako napasakay sa bus na un.. nagmamadali ata ko mashado at di ko napansing super puno na sha. ordinary pa un di ko na nga matandaan kung anong pangalan ng bus. pero malamang santrans un or jft kasi galing pa sa sapang palay.

kung taga-tungko lang naman kasi usually isa ko sa mga unang pasahero. nakakapwesto pa ko sa paborito kong pwesto.. ung sa unahan ung sa pandalawahan.. tapos tamang steady lang para walang tumabi. sabi ni chichi nakakatakot daw ako tingnan pag nasa isang sulok tapos di gumagalaw. para daw akong multo sa korean horror movie.

lagi akong nasa harapan.. 2years na ang lumipas simula ng matuto akong sumakay ng bus mag-isa at isang taon na kong nagbabyahe araw-araw. nagba-bus ako pag papasok sa trabaho at pauwi. lagi akong nasa harapan.. or atleast sa gitna. pero kahapon? andun ako sa likod! di naman sa hinuhusgahan ko ung mga tao sa likod ng bus pero para kasing.. kadalasan sila ung mga nakakatakot.. basta. di ako komportable. masama talaga loob ko. pati gusto ko laging malapit sa pinto pati sa driver para alam nia pag bababa na ko hindi sha aandar agad.

ampangit sa pakiramdam talaga pambihira. ampangit ng pwesto ko. andun ako sa pinakadulo..  sa bandang gitna pa ng pahabang upuan. sa right side ko e si kuyang rakista may dala pang gitara. sa left ko naman isang ale.. kaso maya-maya may sumakay at tumabi sa left side ko. si ate kasi umurong pakaliwa! grabe ambaho nia.. amoy-alak na amoy-pawis? ewwness talaga! sa unahan ko sa bandang kanang upuan may mamang brusko na panay ang tingin saken shempre mahahalata ko un nasa harap ko sha eh. makikita ko pag lumilingon sha nakakainis talaga. eww din sha. sa bandang kaliwa namang upuan sa harap ko isang mejo may edad na lalake. ewan ko ha pero tingin din sha ng tingin. naisip ko tuloy baka holdaper sila at magkasabawat.

tumagal din ata ko ng 30minutes sa ganung pwesto. tulog ung dalawa kong katabi at nakakairita talaga kasi nakabukaka sila parehas. si kuyang rakista napapasandal pa saken kung minsan. buti sana kung gwapo. wew. joke lang. buti na lang bumaba din ung lasing sa left ko at maya-maya unti-unti na din akong nakalipat sa harap. mejo mahirap humanap ng pwesto kasi sa tuwing may bumababa merun din sumasakay.

nakailang lipat ako bago makarating sa harap. tapos ung bruskong mama pala lumipat din sa likod.. kaya pala sha lumilingon... kasi gusto nia dun sa pwesto ko! adik. tinitingnan nia kung may bakante na o kung may bababa samen. ngek. nakakahiya naman kay kuya napagkamalan ko pa shang holdaper. malay ko ba.

pero di na ko sasakay sa ganung bus ever. hmp.

sa sobrang sama ng loob ko nag-picture-picture na lang ako. waha. kairita. wala silang gana bumukaka. di ba nila alam nakakairita un?? naiipit ako! at ung legs ko! ayan! kawawa. aynako. haiz.

Posted at 10:21 am by mae_nOodLe
Comments (3)  

Saturday, April 18, 2009
R & R here we come!

update to sa blog entry ko nung March 8, 2009 na Changes.

2 weeks lang after ng post ko na un.. nawalan kami ng anim na teammates. ung dalawa lumipad papuntang cebu. ung dalawa nag-resign.. at ung dalawa nag-apply sa maturity center at natanggap. pero nakikita pa din naman namin sila.. maliit lang naman ang floor. may utang pa nga ko sa kanilang banana cake. gang ngaun di ko pa sila nabibili. nagustuhan kasi nila ung baon kong banana cake last time.. ayun. nagpapabili sila ang busy ko naman.

sunod-sunod un nangyari.. wala pang 2 weeks. from 17 eh 11 na lang kami ngaun.

tapos.. nag-apply ung TL namin sa repo. ewan ko dun kay chichi.

malungkot un.. kasi mabubuwag kame. shempre. wala na kaming TL. kaya ang ginawa namen.. nag-apply din kami sa repo. kahit naman di nag-apply sa repo si TL mabubuwag pa din kami eh. ang konti na lang kasi namen tapus grabe pa ung rate sa absences at late. hai. ni hindi namin alam kung anu meron sa repo. bahala na si batman. basta ayun ung department na tinatawagan nila pag na-repossess ung kotse nila.

kung tutuusin nakakatakot dun.. ngaun kasi nakaka-receive ako ng mga ganung tawag sasabihin ni customer.. "my car is missing i guess you took it!" o kaya naman.. "hey what's happening? there's a repo guy in my garage blah blah blah" kadalasan sila ung mga galit.. o kaya naman ma-drama. ikaw ba naman bawian ng sasakyan eh? pero buti na lang di ko sila kelangan kausapin. pag na-repo ung sasakyan may code naman sa account. tina-transfer ko lang un sa repo department.

meron din akong mga customer ngaun na na-redeem ung kotse nila tapos andami nilang tanong tungkol sa binayaran nila.. bakit daw ganun. pagtingin ko sa notes ng repo.. hala! di ko maintindihan. andaming charges tapus puro computation. tinatawag ko si chichi pag ganun. pinapa-translate ko sa kanya ung notes ng repo. o kaya naman pag tinatamad ako mag-explain sa customer.. or pag di ko talaga maintindihan.. tina-transfer ko sila sa repo. sila na bahala mag-explain. sila gumawa nun eh. pag ayaw tanggapin gagawa na lang ako ng report na tila may mali sa computation kahit malamang eh wala naman talaga. bahala na ulit sila mag-review. sasabihin ko naman kay sir.. aayusin namin to. tawag ka ulit next week. ok? goodluck sa agent na makakasagot sa tawag ni sir.

natanggap si chichi sa repo. dalawang team kasi ang kelangan dun.. shempre alam ko matatanggap si chichi. magaling un eh. malungkot ung mga huddles namin nitong mga nagdaang linggo.. lagi kasi nia sinasabi.. mas gusto daw nia makita kaming nasa ibang team o kaya nagkalat sa kung saan-saang department kesa magkakasama kami sa lease forever. hindi raw kasi kami maggu-grow. at sana daw.. kahit san kami mapunta walang mabago samen ganun pa rin ung dedication sa work en everything. merun pa shang line parang nakikipag-break lang sa jowa. nase-sense naman namin magkakahiwalay kame. ready na rin ako kahit anu mangyari. wala namang assurance na lahat kami makakapasok din sa repo at mapupunta sa team ni chichi. galingan na lang daw namin sa interview.

well.. nakakatawa ung interview nung wednesday. wala pang 3 minutes ung saken pambihira. saglit lang talaga. pero ung sa isang taga-interview tumatagal ng 20-30minutes. tapos pare-pareho naman kami ng sinabi.. gusto namin sa repo kasi andun si chichi. gusto namin kasama si chichi at ung team namin. at para lang may ibang reason.. sinabi ko gusto ko din mag-try ng ibang bagay.

ung dalawa samen di nag-apply. ung isa di ni-interview kasi mababa daw ang grade ng january at march. ung isa di nakapasa sa interview. tapos kaming.. pito? tanggap na. repo na kame wew. training sa MAY... 2 weeks daw. di naman ako mashadong masaya. ewan ko. gusto ko lahat kami malipat eh. saka natatakot ako... baka di ko kaya dun. hai. sobrang pressure pa kasi pioneering account un.. client daw ang magti-train samen. nosebleed! wew. ang kulit pa. kasabay namin sa training ung magiging supervisor namen.. ung dalawang TL. ung QA monitor. at ung trainer. para pag kelangan namin ng tao sha naman ang trainer. ang saya siguro nun.. magkaka-level lang kami sa training haha.

maswerte na rin ako.. sabi kasi nila panget daw sa call center kasi nakakaumay. buti kami nalilipat sa bagong account every 6 months. chamba lang. kasi ung iba naming kasabayan nasa retail pa rin hanggang ngaun. pero kung ako.. ok lang naman sakin un. di naman ako mabilis magsawa. pati everyday din naman may challenge dun. kala mo alam mo na lahat kasi isang taon ka na dun.. pero di rin naman. may mga kakaibang senaryo kung minsan. masakit sa ulo at nakakawala ng antok. tapos masarap sa feeling pag na-resolve mo. mamimis ko din un. hai.

pero sana petix sa repo. ayoko ng maraming calls. ngaun kasi dumarami na ang calls sa lease.. nabawasan nga kasi kami ng tao. dati sa retail nakaka 70 to 90 calls ako sa isang araw. laking tuwa ko sa lease wala mashadong tawag. nakaka 40-50 lang. pero ngaun.. dahil kulang sa tao.. umaabot ulit ako ng 60-80calls pambihira. kakangarag. lalo na siguro ngaun. buti na lang repo na ko weeee.

ieenjoy ko na lang tong last two weeks ko sa lease customer service. at sana.. sa bago naming account sa May.. magkakasama pa din kame at si chichi pa din ang TL.

hindi ko rin naman siguro kelangan matakot.. konting math lang un at analyzation. kaya ko na un.. wala naman sigurong calculus noh. magre-resign ako talaga.

ok. excited na ko. goodluck saken.

Posted at 09:13 pm by mae_nOodLe
KOMENTO ne  

Monday, April 13, 2009
Love love summer

We'll run away together
We'll spend some time forever
We'll never feel bad anymore

nung huwebes santo nga pala wala kong pasok. sira ang pc at walang matinong palabas sa tv. wala ko magawa kaya naghanap ako ng mapapanuod.. nakita ko ung Aquamarine VCD ni alyssa. nung andito sha ilang beses namin un pinanuod ng paulit-ulit. ewan ko sa mga bata kung bat ganun manuod kelangan paulit-ulit? pero mas ok na un kesa naman pag si Aira ang kasama ko Dora at TOm and Jerry ang paulit-ulit na pinapanuod.

sobrang gusto ko ung "island in the sun" ng Weezer. reminds me of beach! pati ang gwapo ni raymond.. ung bidang guy sa movie. ayun ata favorite song nia eh. wew.

Sayang di kami natuloy sa pangasinan. nasa beach sana ko nung holy week. hmp. sa MAY na lang daw.. pag walang moon para may isda. mangingisda daw kame weee!!! excitingness.

nabanggit ko lang kasi puro "island in the sun" soundtrip ko naun haha paulit-ulit din. wala. gusto ko lang.

Happy Easter nga pala! nakalimutan ko na tuloy dahil sa masamang pangyayari kanina. err.

ilalagay ko na lang shang background music dito. hanggang magsawa ako.

Hip hip...

Posted at 04:07 am by mae_nOodLe
Comment (1)  

Next Page

Profile



View My Profile




Bob Ong Quotes


ang mga sipi mula sa mga libro ni bob ong ay may permiso
Komski Quotebox

Tagboard!



Kalendaryo

<< October 2009 >>
Sun Mon Tue Wed Thu Fri Sat
 01 02 03
04 05 06 07 08 09 10
11 12 13 14 15 16 17
18 19 20 21 22 23 24
25 26 27 28 29 30 31


If you want to be updated on this weblog Enter your email here:




| HOME | ARCHIVE |

i Love Mii






Netizens



Takdang-Aralin

ProLang
DataStr

Free Site Counters


Credits

::
Designer
Bob Ong Books
Komski Quotebox




Blogdrive