
kelan ka huling naihi sa salawal? ako.. KANINA LANG. naihi ako sa pants. habang tulog. ewwness talaga. naihi ako sa kama. eww.
nakakahiya... nkakahiya talaga.
napagalitan pa ko ni kyosoke. dahil daw kasi un sa pagod. pinapagod ko daw ang sarili ko. at nagpipigil ako ng ihi. at di raw ako nakikinig sa kanya.
panu naman nia alam? lage ba ko umiihi sa salawal?? naun lang naman ah! T_T
pero lagi nga nia ko sinasabihan... tapus minsan.. walang pasabe bigla na lang nia pinagpi-press puson ko. trip lang. tapus ayon.. maiisip ko naiihi pala ko.
pero kanina.. teka.
4:00am huling wiwi ko kakatapos lang ng lunch. shempre nag-toothbrush kami at nag-retouch at nagwiwi.
5:15am last break. nagwiwi sila ulit ako hinde. nagsalamin lang ako sa CR.
7:00am uwian.. nagiwiwi ulit sila tapus kami ni lizzie at ecki ndi na sumama. dumirecho na kami sa locker at inantay sila sa baba ng office. sabay-sabay kasi kami naglalakad papuntang crossing. or edsa. kung anu man tawag dun. dun kami naghihiwa-hiwalay.
8:30am nasa jollibee tungko ako at nag-almusal.
9:00am nag-internet ako kila hero
10:00am na kila kyosoke ako at nakitulog.
1:30pm nagising ako bigla. tapus parang mainit ang aking legs. naisip ko parang naihi ata ako.. pero ni-wish ko nun sana panaganinip lang... kinapa ko ang aking legs.. OMG! basa. niwish ko ulit sana panaginip lang... kinapa ko ulit ang aking legs.. OMG! basa talaga. eww.
steady. wala kong maisip gawin. parang gusto ko na mag-panic pero nanatili akong kalmado. alam ko naman darating si kyo.
asan ba si kyosoke. inantay ko lang sha.. sinisilip naman ako nun lage pag tulog. ayun.. sakto. mga 2 minutes buti naisip nia ko silipin bigla. ndi na maipinta ang muka ko. shempre ndi nia maintindihan kung anu nangyayari saken. kala nia nag-iinarte na naman ako. lumapit sha.. kinuha ko ung kamay nia tapus pinadampi ko sa basa kong pants. natawa ko bigla sa reaksiyon nia. iyak-tawa. muka kong tanga. maluha-luha ko talaga.. nakakahiya kaya.
kinuha na lang nia ko ng shorts at undies ng kapatid nia. ayoko magsuot ng shorts at undies ng iba pero wala kong choice. katabi ko nga pala matulog nun ung pamangkin niyang limang taong gulang. may makapal na sapin sa higaan nia.. pang-ready sakaling maihi sha sa kama. nahiya ako lalo... ako dapat ang sinapinan at hindi ung bata.
tinawag nia ung kapatid niyang babae para magpatulong mag-ayos ng kama. shempre nagtaka si kapatid na babae... "o baket sinu umihi?" "SI MAEMAE" sagot ni kyosoke... tapus natawa kaming tatlo. waaaa!!!
tuliro na ko. sabi ko kay kyosoke.. nahiya ako. kasi nawiwi ako sa kama nila. para kong bata. nag-alala ko talaga. pero sabi nia ok lang daw un.. normal lang naman daw mawiwi sa kama. ngek? ilang taon na ba ko. pero ok lang daw kasi ganun din daw sha nung high school.. ok. sobrang pagud daw sha nun tapus nawiwi din sha sa kama habang tulog.
sinabi nia un kasi umiiyak na ko. e kasi nga nahihiya ako. pati di ko naman gustong mawiwi sa kama? tapus andun na naman si kapatid na babae.. natawa lang kami sinabi pa kasi ni kyo umiiyak ako kasi nahihiya. muka talagang tanga. dapat di na ko nagdrama. eww. mas eew un.
so. ok lang maihi sa kama kahit matanda na. ganun talaga. kaya wag aabusuhin ang sarili.
pero nakakahiya pa din. buti kung kama ko un. hmp. andun pa naman buong pamilya nia. nakakahiya waaaaa!!!
lagi na ko magwiwi sa office pag break. kahit di nawiwiwi. pramis.
at secret ko lang to. ok.
I DON'T KNO... HAVE I BEEN SO BERI BERI GOOD?!
overwhelming. di ko alam. basta. mashado kong natutuwa.. andami ko kasing natanggap na regalo nitong mga nagdaang araw. as in sunod-sunod. di ko naman birthday?
may padala ung tita ko.. isang malaking box puno ng mga damit. actually paninda un ni mama pero shempre merung para sakin talaga at kung may magkakasyang iba pede ko rin naman kunin. ayun. at dahil sexy ako andami kong bagong damit.. bukod pa dun kasabay din binigay saken ung padala ni ate mel galing naman dubai damit din at chocolates hmmm!
tapus dumating din si divine.. may pasalubong sha saken.. digicam waw? ala kaya kong digicam. saka di mo ko mapapabili ng digicam kahit ung mumurahin. kasi di naman ako mahilig sa pictures.. hindi talaga. basta di ako mahilig sa pictures. ok beyeh? nababasa mu ba to. di ako mahilig sa pictures. haha. kuntento naman na ko kasi sa celfone ko na may camera. bumili nga ko ng mp4 di ko rin nagamit ayun na kay kyosoke lang. kasi kuntento na ko sa sound trip ko sa pc at ayoko ng naka-headset sa daan.. naka-headset na ko magdamag sa trabaho kelangan din naman magpahinga ng tenga ko. ayun. pati ayoko ng mashadong maraming dalang gadget. celfone ok na pag nasa labas.. at pc naman dito sa bahay. solb. pero natutuwa ako sa gift ni divine parang andaming features.. di ko nga alam kalikutin e buti pa si kyosoke marunong. alam ko lang kumuha ng picture eh.
andami kong ni-file na leaves for march and april at lahat na-approve maliban lang ung sa black saturday. ewan ku sa kanila baka mapa-absent ako pag nagkataon.
nakakuha ako ng bonus.. na di ko ine-expect kasi nga 90 lang ang grade ko nung january. merun pa din pala. nakakatuwa. iba talaga pag top agent.
at ngaun.. merun akong gift certificate sa rustan's worth 3k. ewan.. una kasi 1k lang un.. nanalo ako sa raffle nung tuesday ata un. grabe ang swerte ko. pero anu naman mabibili ko sa 1k kung sa rustan's un dba? maya-maya nanalo din pala si jonah.. binigay nia saken ung gc bawas daw sa utang nia. ngek. pumayag na din ako. naisip ko bibili ako ng sapatos.. tapus kinabukasan may pa-raffle ulit. ewan ko sa kanila bat andaming raffle. nanalo ako ulit! 1k gc! haha.
sabi ni daddy maswerte daw ako kasi mabait daw ako. waw? ilang beses nia un sinabi. gusto ko na maniwalang mabait nga ko talaga. palibhasa pinautang ko din sha nung nakaraan hehe. pero ayun talaga si daddy ang favorite kong team mate. may gift din pala sha saken nung last week din! figurine na pusa at ferrero rocher hihi. so sweet daddy. feeling ko ako din ang favorite niyang team mate. feeling ko lang un haha. pinangalanan kong nigel ung pusa. tapus non nanalo din ng gc si daddy waha 1k din. masuwerte din un si daddy.. nanalo na din sha dati eh pati ako. lagi kami nananalo wahihi. maganda pa nga un dati eh.. gift cert sa SM. mas kapaki-pakinabang naman un. dami mabibili sa SM eh. nakapag-grocery din ako nun dati.
feeling ko swerte saken si nigel. lagi ko un sinasama sa station ko.. lucky charm :)
saka isa pa.. parang gusto ko na maniwala dun sa "THINK POSITIVE!" napaka-positibo ko kasi eh.. natatawa lang sila chichi saken kasi parang ok lang lahat saken. kahit sa mga grades.. di naman ako mashadong nag-aalala. sasabihin ko lang ganun talaga ang life. bagsak lang ang QA ko at AHT pero tataas din un parang bida sa action movie, magpapabugbog muna tapos panalo din naman sa huli. tapos tatawa lang sila. at aasarin ako. ewan ko sa kanila.
at eto... ung kasalukuyang nagbubunutan sa raffle.. malayu un sa station namen pero tanaw naman. mga TL's lang ang nandun at mga sups. nakikita lang namin at naririnig nagsisigawan sila pumapalakpak en everything. tapos ako... "OMG! nanalo ako ate!" kahit di ko naman alam kung sinu ung tinawag.. tapos kinukulit ko sila.. "have u heard my name?? ako daw diba??" "uy tingnan nio! basahin nio lips ni sup sabi nia LEALEY MAE BRIZUELA daw from team chrisie!" tapus kinakawayan ko si chichi mula sa malayo sumesenyas ako kung ako ba un nanalo. sobrang excited ako samantalang sila wala namang pakialam sa raffle. ganun ako kakulit sa floor. malay ko bang totoo pala na ako ung mananalo. dalawang beses pa.
basta. lagi naman akong positive kahit dati pa. maganda rin pala un. akalain mu naipasa ko nga ung AHT at QA ngaun... back to quadrant 1 harhar! pasang-awa pero aus na.
and i got perfect scores sa first two monitorings ko. grabeng swerte.. kasi ung pinakamabangis na qa ang nagmo-monitor samen ngaun. lahat nga sila nakakuha agad ng 70 eh.. tapus si ecki na-issue-han ng caf kasi nahuling nagho-hold ng caller ng wlang pasabe. lahat sila na-shock kasi parang ngaun lang sila ulit nakatikim ng ganun kababang score. ako din na-shock.. kasi ngaun lang ako ulit nka-100 haha. super easy call naman kasi un.. transfer lang.. tapos ung isa.. wla. di ko alam ang isasagot ni-refer ko sa ibang department. tama din pala waha. swerte lang. barubal ako mag-calls eh.. normal na lang saken ung grabe na 80 pababa. kasi sinasadya ko un.. di ako mashadog conscious sa monitor. wala ko pakelam kung i-mark down nia ko basta sasabihin ko lang ung gusto ko sabihin. kahit nga katabi ko si chichi ganun pa din ako.. matigas daw ang ulo ko. madali naman akong makuntento kasi. di naman kelangan laging perfect? "pressure" ang tawag don. ayokong gumaya sa iba.. andaming iniisip at takot magkamali.
saka hindi talaga maipagkakaila... love ako ni God :)
pati pag may blessings ka i-share mo.. kahit di naman sa material things eh. ayus na siguro ung maging mabuti ka sa kapwa mo. minsan ung "simpleng kabaitan" nakakagaan sa loob ng ibang tao. parang sini-share mo ung magandang pakiramdam mo. nakakahawa un.. pag masaya ka. blessing ung pagiging masaya. i-share mu din sa iba. natutunan ko ata un kay daddy.. marami ako natutunan sa kanya. para kong may tunay na daddy sa office. blessing sha para saken. gustung-gusto ko makipag-usap sa kanya. parang "sermon" lang nia ung kaya kong tanggapin. pag sa ibang tao galing baka sumama na loob ko.
kaya hindi ko kelangan manlibre. isi-share ko na lang ung happiness ko. ok. nakalimutan ko sabihin... madamot ako. waha. ako lang magsa-shopping! weeee :D
Tag! Tag! Tag! ilista daw ung mga names mo na.. di ko lam i-explain. basta pangalan. mahaba-haba to nakakapagud. masakit sa ulo.. sa katunayan eh inabot ako ng 3 to 4 days ata para lang matapos to. wala gusto ko lang baket ba.
Potpot/Lilipot. pet name ko nung bata ako. hanggang ngaun may tumatawag pa din saken ng potpot.. si kuya jayson at pay bino. eh kase madalas ako sa kanila magbakasyon nung bata ako.. kaya siguro ganun. tapos parang hanggang ngaun bata pa din tingin nila saken.
Mae. nickname ku po. lealey mae kasi buo kong pangalan.. naiilang ako sa "lealey" kasi kakaiba ung spelling. kaya pag may nagtatanong ng pangalan ko sinasabi ko "mae".
Menggsss. ganyan talaga spelling. pinaiksing menggay.. tawag saken ni beyeh. uhm.. first year high school pa un tapos sha naman si bebang. teka. sila ma'am T.H.E.pala nagbinyag samen nun at ms.manlutac at ma'am bruzo. ung tatlong teacher na magbe-bestfriends din.
Green Apple. code name ko sa frogntot. may sarili pa kong logo na imbento din ni amor nakalimutan ko na panu idrowing.
Mi bebe. in super high pitch voice pa yan! waa.. mis ko mami nukis ko.. si amor na godmother ng radical.
Mae2x. Si calix ata unang tumawag saken ng mae-mae eh.. 2nd year high school? usually kase mae lang.. tapus ayun. nakyutan ako sa mae-mae tapos lahat na sila ganun ang tawag saken. mga schoolmates ko sa saint mary's mae-mae tawag saken. basta feeling ko pag tinawag akong "mae-mae" ka-close ko na. parang sila ung mga tipong mae-excite ako at mapapatili pag nakasalubong ko sa mall. dalawa lang sa college friends ko ang tumatawag ng mae-mae saken.. si divine at pao-pao. tapos wala na. puro na sila mae.
Noodle. sila calix at rv naman ang nagbinyag saken nyan. kase si calix si murdoc at si rvtooters naman si 2D. familiar? yeyz.. gorillaz. siguro dahil mahilig sila sa animation (eshusmi mga talentado silang artist) tapos gusto nila ung hitsura ng mga characters astig kaya. lalo na si murdoc.. alam ko na kung anu nagustuhan ni calix dun. ung baliktad na cross. hehe. di ko alam kung bassist si murdoc pero merun pic dito bass ang hawak nia. etu woh.. sa baba. si rv naman frustrated vocalist waha. saka singkit si noodle parang ako. ayun.

Mae2noodle/MaeNoodleSoup. Name ng priestess ko sa pristontale philippines.. andito ang kwento.
Maeyaka. kila dado ko naman to narinig "maeyaka! hinahanap ka ni tomahome ah?" at si kyo ang tinutukoy nyang tomahome.. tom kasi ang tunay nyang pangalan. aus. pirated version nila tamahome at miaka ng fushigi yuugi hehe.
Sweetie. tawagan namin ni gotheng. andito ang kwento
Meitooters. tawag ni bestfriend rv tooters saken. pati ung spelling na "MEI" sa kanya nagsimula. anu nga ibig sabihin nun.. hiya ako wahihi. ung "tooters" naman.. sa vr troopers? ung parang sentai nung araw? ahaha. VR.. RV.. tapus ginawang rv tooters ni kyosoke. alam ko si kyosoke nagbinyan ng rv tooters kay rv eh. nakyutan lang ako kaya nakigaya na rin ako.. tapus pati si rv tinawag na rin akong meitooters. TRIVIA. may nangarir saken 1st year college.. binasted ko (ehem) kaya sinabi na lang nia.. "pede ba ko maging pao-pao tooters mo?" na ang ibig sabihin siguro eh.. kung pede kami maging mag-bestfriend na lang since di nia ko pede maging gf.
Tae/ maetae. oo alam ko mabaho. ewan ko sa kanila! ung mga katrabaho ko dati sa susana.. minsan kahit nasa public place kame tinatawag nila kong "tae!" pambihira. ok lang naman.. pero naisip ko hindi sha maganda pag sinisigaw sa public place waha. eh kase that time.. expression ko un "tae" ganun kasi uso sa pristontale. normal lng samen un.. eh ung mga katrabaho ko siguro kase nawiwirduhan. parang saken lang siguro nila un naririnig. ayun. tae na tawag nila saken. hanggang ngaun.
Sanggre. mahal na sanggre tae.. aus na sana tunog royalty. kaso sanggre tae. tawag saken ni marlon.. kasi sha naman si mandirigma. yeys.. uso kasi nun ung encantadia. basta bigla nia lang ako tinawag na sanggre. nagkukulitan lang kami sa text nun.
Sadako. tawag saken ng kahit sinung nakakapansin sa buhok ko at pagiging chinita. ewan ko sa kanila. di ko nga alam bat nila naisip un. kamuka ko ba? o sige lagay ako pic.. hehe. pero ayan naman sinadya ko ibagsak ung buhok ko.

Maebulate. si kyosoke! ayan tawag saken. ewan ko sa kanya. mukha daw kase akong bulate. teka. ung "bulate" sa pristontale din nagsimula.. ayun. si meme nga pala ung original bulate. ayun talaga kasi mukhang bulate mahaba ang katawan tapos para daw shang ung alien sa M.I.B ung payatot tapos malaki ang tyan? bulate tawag namin sa kanya tapos naging expression na din sha sa pt. at si kyo lage na ko tinatawag na maebulate lalo na pag nangungulit sa text.
Adik. tawag saken nila bryan at jhay-R na mga friends ko sa pt. pag nakita nila kong online magpi-pm na mga yan.. "adik" eh kasi ganun din tawag ko sa kanila. mga adik naman kasi sila. parating online.
Prinsesa. tawag saken ni jeeferz.. na clan chief sa dati kong clan. eto talaga kasabayan ko, adik na since 2005 din. ka-party ko lang sha nun sa galluvia valley at nagkukwentuhan kami tungkol sa mga anime. tapus sha daw si recca. ayun. prinsesa nia daw ako. nakyutan naman ako simula non tawag ko sa kanya "ninja ko" pag ibang character ang gamit nia at tinawag akong "prinsesa" alam ko na agad na sha un.
Mismei. Bago kong pangalan ahihi.. nagsawa na kasi ako sa mae2noodle. ni-rename ko ung priestess ko mis[mei] na sha naun. ewan ko lang kila meme at kyo kung bat may brackets pa. sila nagrename sakin eh.
Ate Cute. tawag saken ni flame. friend ko din sa pt.
Miss C. pinaiksing miss calculus.. may friend ako sa pt calculus21 ang name ewan ko sa kanya bat ganun name nia. adik sha. tawag ko sa kanya "mr.C!" ayun, tinawag nia din akong miss c. may koneksiyon din sa pagka-hate ko sa calculus na subject. inaasar nia ko dati ng mga formula en everything sa tuwing makikita ako sa pt. basta ganun..
Meow. Tawag saken ng close friends ko sa PT naun.. lagi kasi akong vend mode dun lalo na nitong mga nagdaang araw. vend mode. eto ung nakatayo lang ung character ko sa paborito kong spot.. sa may flower-flower katabi ng warehaus keeper. nagbebenta lang ako ng kung anu-ano tapos ang nasa shout box ko.. "meow meow :))" ganun lang ako lage. o kaya.. "SELLING>> Sheltomss mana en everything *meow*" basta laging may "meow" minsan kahit ung character ni kyosoke ang ginagamit ko pang-vend.. alam nilang ako un pag may "meow" sa shout. feel na feel ko din pag tinatawag nila kong meow kasi parang answit. sweet pa naman sila.. pati ako tuloy napapa-sweet effect pag kausap sila.

Lealey. minsan buong-buo pa.. Lealey Mae (LILI MEI basa jan. basta.) tawag saken ng mga ka-team ko. nakakatuwa din. nasasanay ako sa real name ko dahil sa kanila. sila lang tumatawag saken sa buo kong pangalan at feel ko rin naman. Ung kalendaryo ko sinulatan ni chris.. actually lahat kame may kanya-kanyang kalendaryo tapus lahat pinangalanan nia. missed him X_x

Leah. tawag saken ni Z.. ung monitor namin for.. 4 months? ndi nia kasi siguro alam basahin ung name ko.. di ko din naman sha kinokorek. sanay na ko sa ganun. bihira lang naman ung makakaisip na "lili mey" ang basa sa "lealey mae" ko. ang di ko naman maintindihan sa kanya eh kung bakit hindi na lang "mae" para safe. tutal naririnig naman nia calls ko at "mae" ang ginagamit kong name. tapus nung last monitoring nia saken nung february.. tatawagan nia sana ko kaso may call ako kaya kay ate wheng nia ko hinanap.. hinahanap nia si "leah" pumunta daw sa QA booth.. aux 2 stamp 56. si ate wheng naman "who's leah??" ayun. ako pala. "ah ok.. it's lily!" waha.. ok. dun lang nalaman ni z na "lili" pala un. pero hanggang ngaun "leah" pa din tawag nia saken. adik.
Top Agent. yess.. dahil sa text ko nung nakaraan kay chichi.
"Waa.. Tagal! Huhu. 1hr pa ata 2ng byahe ko. Don't wory drting naman ako anjan na no.1 agent mu ako bhla sa stats ntin. In fairness ngreply c sup J 'noted' daw."
top agent na tawag saken nila chichi. pinapanindigan ko naman. angal?
and yes.. mahilig po ako sa pusa... meow meow :))
SAlamat pala kei karmi.. kahit ako lang nagpumilit na i-tag ang sarili ko hehe. kunwari na lang di ako marunong magbilang ^_^
sakaling may nakakabasa neto at wala kang magawa at walang maisulat pede ka rin gumawa ng ganto kung gusto mo. tina-tag kita. ok. pero sana sabihan moko para mabasa ko din. ok. ok?? pero kung ayaw aus lang.
antok. tampo ata si alyssa di ako maka-chat mashado. sori naman sis may nigagawa lang po ako nun?
since off namin ng wednesday this week.. nagmistulang parang monday ung thursday. basta. parang monday ang feeling. tapus lagi nagtetext si chichi pag lunes.. tipong "how's ur weekend lovies.." tapos magpapaalala ng sked at kung sakaling may something special sa araw na un. ayun na nga. alas-onse nagtext na si chichi..
Good news my dearies, TEAM CHRISIE WILL BE ON MANUAL 2NYT!..D sups r discussing d use of wsi wid d clients, we'll b notifyd as soon as dey'v decided wethr or not to hav it implementd. By d way,4 all absences and lates, kndly notify sup J as well. Here's d no. +63917*******. Tnx! Cyah 2nyt! : )
reply naman ako..
Yey! I won't be late 2nyt. Nwayz chi, jonah is asking.. Approved dw ba leave nia 2nyt. Gs2 lng nia confirm.
sobrang bihira ako magreply sa kanya. naisip ko lang magreply nyan kase may iba nga ko sasabihin.. ung tungkol sa leave ni jonah. wala daw kasi shang extra load ndi nia matext si chichi. reply lang ni chichi "yup lam ko" na ang ibig sabihin siguro eh alam niyang di ako mali-late? mejo adik sha talaga kung minsan di ko alam kung napansin niya ung tanong ko tungkol sa leave ni jonah sabi kasi ni jonah ndi rin nagtext si chichi sa kanya.
7pm ang shift namin ngaun buong month. ni-set ko ung alarm sa phone ko ng 3:45pm kasi kelangan 5pm makaalis na ko samen.
6:00pm -- ALAS-SAIS. ginising ako ni mama! "ate mae, gising na wala ka bang pasok?" waaa!!! late ako omg!!! pagtingin ko sa celfone.. ayun lobat na kaka-alarm. natabunan pala kase ng unan kaya di ko narinig. badtrip! si mama naman ewan ko sa kanya bat 6 na ko ginising.
ayoko talaga ma-late kasi na-late na ko last week at pinangako ko sa sarili kong last na un for this month. pag kasi 1 lang late mu for the whole month mawi-waive pa.. pero pag dalawa, minus 20% na agad sa attendance. badtrip talaga. bukod sa naghahabol ako ng stats dahil ayoko maipatapon sa ibang account.. iniisip ko din ung bonus hehe. malaking bagay ung 20% na mawawala sa attendance lalu na kung gantong tagilid ako sa AHT at QA. ayun nga. kelangan magtext.
Waa late ako chi huhu.. Sowreee!! D ako gncng mama il txt sup j as well waits.. ipun ako english. Mga 1hr ako late T_T
tinext ko din si sup J. reply ni chichi..
Hala! Haha. K2sb mo lng d ka malel9..najinx ka 2loi. Yareeh ka! Cge ingat.
jinx. wala lang.. uso samen. jinx daw kasi ako sabi nila ate wheng. lagi nila ko binu-bully kaya. masarap daw kasi ako asarin di ako napipikon ngangawa lang o kaya makikipag-asaran din. masaya sa team.. lagi kami nagtatawanan.
aircon pa nasakyan ko badtrip sooooobrang bagal.. 8pm na nasa philcoa pa lang ata un. tinext ko ulit si chichi..
Waa.. Tagal! Huhu. 1hr pa ata 2ng byahe ko. Don't wory drting naman ako anjan na no.1 agent mu ako bhla sa stats ntin. In fairness ngreply c sup J "noted' daw.
waha.. alam ko matatawa sha. atlis natatawa sha kahit binibigyan ko sha ng problema. alam ko naman epekto sa kanya pag may absen or late na agent. napag-uusapan namin un sa mga huddles. buti nga super cool sha at di kami mashado pini-pressure.
naisip ko habang nasa bus.. nakakatuwa. natutuwa ako sa sarili ko kasi komportable ako kay chichi. magtetext ba ako ng ganyan sa superior ko kung naiba lang.. ung iba kasing TL mashadong mahigpit at di makausap. ako pa naman.. di ako ung tipong mabilis mapalagay ang loob tipong magfi-feeling close? basta. tahimik kasi ako. akala din nila tahimik ako haha.. naun lagi ako inaasar ni leizel bakit daw ang ingay-ingay ko na ngaun at sobrang daldal. eh ganun talaga. hai. malungkot ako talaga ng husto pag nabuwag team namen.
9pm na ko nakarating sa office.. at ang reaksiyon nila? "wow! here's the top agent!" smile lang ako with yabang effect.. feeling top agent talaga. naun tuloy top agent na ang tawag nila saken which is mejo nakakatawa kase nasa quadrant 4 ako ngaun. meaning bagsak ang AHT at QA. ang masaklap pa nasa bottom ako sa QA with an average of 84% for 4 monitorings. merun pa kong anim na monitorings hanggang katapusan. kelangan ko ng anim na 100% grade para makapasa. oha?
ung AHT madali lang.. kayang kaya ko un. at ung absences.. kayang kaya ko din di naman ako pala-absent. ung lates.. ewan ko lang! eto pinaka-ayaw kong sked eh. mashadong maaga pambihira. tapos out ko 4am? madilim pa nakakatakot umuwi. ginagawa namin ni mel eh tambay mode muna saglit, antay lumiwanag.. bago umuwi. kaso pano next week.. lilipad na sha papuntang cebu. wala na ko kasabay umuwi huhu.. wawa man. bahala na si batman.
kwento ko pala kung bat "chichi".. di naman chichi ang pangalan nia. uhm. ganto kasi un.. shempre pag team lead "TL" ang tawag mu sa kanya.. may ka-team kami dati si chris na baklush. tawag nia kay TL eh "Tzi El" or parang "chi-el" ganun ang sound.. pinaarteng version ng "TL" tapus naging "chichi" or minsan "chi" lang. shorcut. lahat kami chichi na ang tawag sa kanya. kami lang ata sa buong floor ang may term of endearment sa TL. kyut noh.
well, sha ang pinakamaswerteng TL sa buong floor. panu ba naman... nasa kanya ang number 1 agent. oha oha.. kaya ko to! aja!!
recession. eto ung word na nauso kamakailan lang.. well, sa kasamaang palad eh apektado kame. kami sa semperian. teka. secret lang ba dapat un.. bahala sila. basta semperian. eh pano.. ung program namin eh konektado sa mga kotse-kotse. may tsismis na nun na nag-file na daw kami ng bankruptcy. okay na sana kasi na-bail out daw kame nung january lang kaso ngaun.. ang balita eh hihinto na daw ng production ang saab at saturn tapos ung hummer hihiwalay na rin daw sa GM.. basta malaki epekto samen nun.
nagkakatanggalan samen ngaun.. hindi naman terminated. malilipat lang pala ng account kase todo ramp-up din ung isang account samen eh. tapus may mga magbubukas na bagong program. sa tingin ko eto ung mga nawalan ng trabaho sa U.S. kawawa naman... kase dito na sa plilipinas ibibigay ung trabaho nila. eh sori naman ganun talaga.
tapos kami naman sa csr/tsr.. serbisyong totoo? kaya daw magbabawas ng tao kasi dun sila magha-hire sa cebu. mas mura kasi ata ang pasahod dun. pero kung gusto mu lumipat ng cebu ok lang din.. may relocation package na 50,000 tapos hindi naman bababa sahod mu at mas mabilis ka ma-promote dun kase bagong tayo lang ung site. waw diba. kaso ayoko.. anu naman gawin ko sa cebu. pero marami-rami na rin ang lumipat sa cebu tapos in 2 weeks lilipad na rin ung dalawa kong team mates.. si melave at mami joan. hai. mamimis ko si melave kasabay ko un umuwi eh.. pati kasabay ko pumasok pag super late ang shift.
ayoko malipat.. ay hinde. ok lang pala basta kasama buong team. kagaya nung nalipat kami sa lease. sabi ko dati ayoko din dun.. kase mahirap.. training ulet en everything. pati ang kinukuha lng nila dun eh ung magagaling tapos may magandang stats. kase magdu-dual skill eh. nakakatuwa nga kse buong team kaming nag-train for lease eh hindi naman lahat kame maganda ang stats. sana ganun din ang mangyari if ever malipat kami ng program. kase kung ibabase sa stats nako maiiwan ako! huhu.. gusto ko kay chichi.. ayoko ng ibang TL baka mapa-resign ako ng wala sa oras.
di na ko umaasa maiiwan kami sa lease kasi ampangit ng stats namin ngaun simula pa nung december. baka malipat kami sa chase.. o sa maturity.. o dun sa bagong program na bubuksan. repo department daw un pati excess wear disputes. nako masakit sa ulo pero interesado si chichi.. gusto daw nia sa repo. bahala na. sa april pa naman malalaman kung ano mangyari samen. ok na saken kahit ano. hmp.
baka kelangan ko na mag-resign.. sali na lang ako sa pinoy big brother.
ang ganda ng "bukas" ko inabot ng 1month haha. sori naman.. busy. at natamad. anu na nga ba ung movie.. hmm.
Y Tu Mama Tambien (And your mother too)
tungkol naman to sa dalawang teenager na mag-bestfriend. na mapupusok. eto ung first scene pa lang e may mga nakahubad na at pumping scene wakoko. kakaiba talaga.. siguro dahil di naman ako mashadong nakakanuod ng mga gantong movies. anu nga ba nangyari.. basta ayun. puro lang jerjer nasa utak nila. may kanya-kanya naman silang girlfriend na kala ko eh talagang forever na sila.. parang normal na magjowa kala mu sila na forever? parang adik na adik sa isa't isa. hanggang sa may na-meet silang girl.. si luisa na 12 years ata ang tanda sa knila. nagkaayaan lang mag-outing. depressed naman si luisa dahil sa babaero niyang asawa kaya sumama sha sa mga bagets para lang makapasyal.
simpleng road trip. chikahan.. maya-maya naglalandian na sila. puro jerjer na ang topic en everything. pasimuno kasi si luisa ewan ko sa kanya basta malandi sha. hindi ko rin alam kung matutuwa ako sa kanya o maiinis kasi kahit malandi sha carry naman nia. basta ganun. basta jinerjer nia parehas ung dalawang bagets.. ndi naman sabay. tapos para kasing andaming nangyari? andaming nabunyag na sikreto.. un tipong nakakasira ng friendship. najerjer pala nila ung girlfriend ng isa't isa.. grabe diba? dun nga nanggaling ung title ng movie.. merun kasing line dun parang.. "nejerjer ko si ganto.. si ganyan.. ung girlfriend mo.. y tu mama tambien!" bongga.
mga shocking na revelations and shocking na mga eksena waha. nakakagulat ung pinakahuling bedscene nakakaloka un talaga muntik na ko malaglag sa kinakaupuan ko. hindi ko ikukwento kung ano nangyari basta hindi ko naman kasi naisip un my gawds.
morning after. umuwi na ung dalawang bagets at nagpaiwan sa isla si luisa. di na ulit nag-usap ung magbestfriend. after a year nagkita sila ulet.. nagkape. kwentuhan konte. napag-usapan si luisa.. pumanaw na pala sha. 3 months after nung trip nila. eh kasi pala.. may cancer sha sinikreto nia lang.. ayun. plano na pla niyang dun matsugi. naghiwalay na ulit ng landas ung dating magbestfriend at di na muling nagkita.
natutuwa din kasi ako sa style ng pagkakawa ng movie. parang napakasimple.. may narrator ulet na kung minsan eh may mga binabanggit na wala sa hulog. as in wlang kinalaman sa eksena nakakatuwa lang. kunwari nagkukwentuhan silang tatlo.. biglang ifo-focus ung camera sa girl tapos magsasalita si narrator sasabihin nia ung nasa isip ni girl na hindi nia naman masabi at minsan pati ung mangyayari sa future kinukwento nia din ang kulet.

last week nga pala may nabasa din akong book.. "isang malaking kaastigan" ni vlad gonzales. nabanggit ko lang kase.. may part dun ung "T.G.I.S." churva nia. habang nagbabasa naalala ko ung y tu mama tambien. parang somehow kaparehas ng style.. tapos sa dulong part ng book nabanggit ng author ung y tu mama tambien.. naisip ko.. "ah. kaya pala" naisip ko baka may nakuha shang idea dun. naisip ko lang kyut kase :D
ung iba pa.. magnifico.. pagdadalaga ni maximo oliveros. the number 23 (ewan ko ha pero na-bore ako.. puro 23 lang naririnig ko sa buong movie) at running with scissors na hindi ko naintindihan mashado ang kwento. feeling ko ang movie na to eh para sa mga schizo at may kung anu-anong topak sa utak. masakit sha sa ulo.. mejo nakakatawa.. kadalasan nakakaloka. ang wiwirdo nilang lahat sa movie. ay ewan.
| Previous Page | Next Page |
Profile
Bob Ong Quotes
Tagboard!
Kalendaryo
i Love Mii
Netizens
Takdang-Aralin
ProLangCredits
:: Designer