|
update to sa blog entry ko nung March 8, 2009 na Changes. 2 weeks lang after ng post ko na un.. nawalan kami ng anim na teammates. ung dalawa lumipad papuntang cebu. ung dalawa nag-resign.. at ung dalawa nag-apply sa maturity center at natanggap. pero nakikita pa din naman namin sila.. maliit lang naman ang floor. may utang pa nga ko sa kanilang banana cake. gang ngaun di ko pa sila nabibili. nagustuhan kasi nila ung baon kong banana cake last time.. ayun. nagpapabili sila ang busy ko naman. sunod-sunod un nangyari.. wala pang 2 weeks. from 17 eh 11 na lang kami ngaun. tapos.. nag-apply ung TL namin sa repo. ewan ko dun kay chichi. malungkot un.. kasi mabubuwag kame. shempre. wala na kaming TL. kaya ang ginawa namen.. nag-apply din kami sa repo. kahit naman di nag-apply sa repo si TL mabubuwag pa din kami eh. ang konti na lang kasi namen tapus grabe pa ung rate sa absences at late. hai. ni hindi namin alam kung anu meron sa repo. bahala na si batman. basta ayun ung department na tinatawagan nila pag na-repossess ung kotse nila. kung tutuusin nakakatakot dun.. ngaun kasi nakaka-receive ako ng mga ganung tawag sasabihin ni customer.. "my car is missing i guess you took it!" o kaya naman.. "hey what's happening? there's a repo guy in my garage blah blah blah" kadalasan sila ung mga galit.. o kaya naman ma-drama. ikaw ba naman bawian ng sasakyan eh? pero buti na lang di ko sila kelangan kausapin. pag na-repo ung sasakyan may code naman sa account. tina-transfer ko lang un sa repo department. meron din akong mga customer ngaun na na-redeem ung kotse nila tapos andami nilang tanong tungkol sa binayaran nila.. bakit daw ganun. pagtingin ko sa notes ng repo.. hala! di ko maintindihan. andaming charges tapus puro computation. tinatawag ko si chichi pag ganun. pinapa-translate ko sa kanya ung notes ng repo. o kaya naman pag tinatamad ako mag-explain sa customer.. or pag di ko talaga maintindihan.. tina-transfer ko sila sa repo. sila na bahala mag-explain. sila gumawa nun eh. pag ayaw tanggapin gagawa na lang ako ng report na tila may mali sa computation kahit malamang eh wala naman talaga. bahala na ulit sila mag-review. sasabihin ko naman kay sir.. aayusin namin to. tawag ka ulit next week. ok? goodluck sa agent na makakasagot sa tawag ni sir. natanggap si chichi sa repo. dalawang team kasi ang kelangan dun.. shempre alam ko matatanggap si chichi. magaling un eh. malungkot ung mga huddles namin nitong mga nagdaang linggo.. lagi kasi nia sinasabi.. mas gusto daw nia makita kaming nasa ibang team o kaya nagkalat sa kung saan-saang department kesa magkakasama kami sa lease forever. hindi raw kasi kami maggu-grow. at sana daw.. kahit san kami mapunta walang mabago samen ganun pa rin ung dedication sa work en everything. merun pa shang line parang nakikipag-break lang sa jowa. nase-sense naman namin magkakahiwalay kame. ready na rin ako kahit anu mangyari. wala namang assurance na lahat kami makakapasok din sa repo at mapupunta sa team ni chichi. galingan na lang daw namin sa interview. well.. nakakatawa ung interview nung wednesday. wala pang 3 minutes ung saken pambihira. saglit lang talaga. pero ung sa isang taga-interview tumatagal ng 20-30minutes. tapos pare-pareho naman kami ng sinabi.. gusto namin sa repo kasi andun si chichi. gusto namin kasama si chichi at ung team namin. at para lang may ibang reason.. sinabi ko gusto ko din mag-try ng ibang bagay. ung dalawa samen di nag-apply. ung isa di ni-interview kasi mababa daw ang grade ng january at march. ung isa di nakapasa sa interview. tapos kaming.. pito? tanggap na. repo na kame wew. training sa MAY... 2 weeks daw. di naman ako mashadong masaya. ewan ko. gusto ko lahat kami malipat eh. saka natatakot ako... baka di ko kaya dun. hai. sobrang pressure pa kasi pioneering account un.. client daw ang magti-train samen. nosebleed! wew. ang kulit pa. kasabay namin sa training ung magiging supervisor namen.. ung dalawang TL. ung QA monitor. at ung trainer. para pag kelangan namin ng tao sha naman ang trainer. ang saya siguro nun.. magkaka-level lang kami sa training haha. maswerte na rin ako.. sabi kasi nila panget daw sa call center kasi nakakaumay. buti kami nalilipat sa bagong account every 6 months. chamba lang. kasi ung iba naming kasabayan nasa retail pa rin hanggang ngaun. pero kung ako.. ok lang naman sakin un. di naman ako mabilis magsawa. pati everyday din naman may challenge dun. kala mo alam mo na lahat kasi isang taon ka na dun.. pero di rin naman. may mga kakaibang senaryo kung minsan. masakit sa ulo at nakakawala ng antok. tapos masarap sa feeling pag na-resolve mo. mamimis ko din un. hai. pero sana petix sa repo. ayoko ng maraming calls. ngaun kasi dumarami na ang calls sa lease.. nabawasan nga kasi kami ng tao. dati sa retail nakaka 70 to 90 calls ako sa isang araw. laking tuwa ko sa lease wala mashadong tawag. nakaka 40-50 lang. pero ngaun.. dahil kulang sa tao.. umaabot ulit ako ng 60-80calls pambihira. kakangarag. lalo na siguro ngaun. buti na lang repo na ko weeee. ieenjoy ko na lang tong last two weeks ko sa lease customer service. at sana.. sa bago naming account sa May.. magkakasama pa din kame at si chichi pa din ang TL. hindi ko rin naman siguro kelangan matakot.. konting math lang un at analyzation. kaya ko na un.. wala naman sigurong calculus noh. magre-resign ako talaga. ok. excited na ko. goodluck saken. |
| Leave a Comment: |