Entry: sik op tayrd! Saturday, June 06, 2015



Ayokong pinag-uusapan sa opis ang lablayp ko... Actually pag may nagtatanong sakin kung may boypren ako ang sinasagot ko lagi "WALA". Wala lang.... Para wala na masyado tanong. Ang hirap kasi sagutin ng follow up questions eh... "ILANG BUWAN/TAON NA KAYO?" "BAT DI PA KAYO KASAL?" "ANO WORK NIYA?" "ANO GAWA NIYA SA BUHAY?" WALEY!!!! NAKAKAIYAK! HAYY... Wag niyo sabihing nagmamadali ako please... LABINDALAWANG TAON na kong NAG-AANTAY!!!!! MAWAWALA na ung edad ko sa kalendaryo pero sya hayahay pa din my gosh!!! Sakit sa bangs kahit wala akong bangs.... Wala rin ako napagsasabihan ng ganto kase nakakahiya. in a way. lam mo yun. ang hirap kaya... pagod na pagod na ko!!!! Andami ko gustong gawin sa buhay.. gusto ko gumala-gala, pasyal-pasyal.. mag-beach.. mamundok.. out of town. pero ang bigat-bigat kasi kelangan laging FOR TWO ung budget ko!! di naman ako makaalis na di sya kasama.. ewan ko. hayy. Nakakapagod kase di kami kagaya ng ibang magjowa na nanunuod ng movie pag may bago. minsan lang... pag naisipan ko at may budget ako FOR TWO!!!! syempre hindi lang un sine. kasama food, pamasahe en everything. ang gastos makipag-date!!!! NASABI ko na ba sa kanya to? OO!!! maraming beses na. ang salbahe ko diba. pero ayaw nia makipaghiwalay. ewan. hayy. kaya mensahe ko sa mga kabataan... pag sinabi ng magulang niyo na wag mag-boypren ng maaga.. SUNDIN NIYO!!!!! malay mo nga kung kayo talaga ang magkatuluyan diba. di ka pa sure kung masipag yan sa trabaho o madiskarte. eh kung lasenggo pala at mabisyo!? patay na!!!!! kung single lang sana ako nung pumasok dito sa Crame edi ang dami ko sanang matinong prospect. hayy.

   0 comments

Leave a Comment:

Name


Homepage (optional)


Comments