Entry: AYAWAN NA. Wednesday, October 01, 2014



Okay.. kwento ko na lang ung leave ko nung monday. wala naman akong lakad pero sobrang tagal ko na gusto magpaayos ng buhok so ayun. sabi ko papa-salon na lang ako. sino pa ba kasama ko edi si Kyo. wala siyang angal kasi bago un e magkaaway kame. as usual. sinamahan nga nia ako.

Andun kami ng 11am. wala ko alam sa mga treatment kaya nagtanong ako kay ateng parlorista. naipaliwanag naman nia difference ng kada treatment na tinatanong ko at Brazilian Keratin chorva ang napili ko. sabi niya aabot daw ng 2-3 hours. kinonsulta ko si Kyo kung ok lang ba sa kanya. or kung gusto ba nya kumain muna. mahirap na baka bigla uminit ulo nia pati ako mabadtrip. pero ok lang daw sya so gora ako. mga quarter to 2 ako natapos... feeling maganda naman ako dahil sa magandang resulta ng brazilian chorva. himala ndi (pa) sya mukhang badtrip. kain kami sa Jollibee.. ayoko sana dun kaso dun nya gusto.

Kailangan ko din mag-withdraw at mag-deposit sa BPI.. tanghali, mainit at effort maglakad so sabi ko okay lang kung kinabukasan na lang ako pumuntang BPI. pero dahil "good mood" kunwari sya, sya na mismo ang nagsabi na gumora na kame tutal andun na rin kame. wow. kung normal sya nun hindi sya mapapapayag na maglakad sa initan. kaya ayun.. punta kaming BPI. halos 1 hour kami dun sa bagal ng serbisyo. nag-deposit ako for Joy at nagpapalit ng card. paglabas ng banko tirik pa din ang araw grabe.. kelangan ko din tumawag sa landline sabi ko so tingin-tingin naman sya sa daanan kung may payphone. wow. di (pa) sya badtrip. tahimik pero ndi badtrip. wla kami nakita kaya umuwi na rin kami.

pagdating sa bahay excited pa rin ako sa maganda kong buhok kaya todo selfie ako syempre. "pwede mo ba ko pichuran?" sabi ko. ambilis ng sagot nya. flat na "hinde". na inaasahan ko naman. okay... "pwede tao mag-usap?" sabi nman nia oo daw. tagal ko na tumityempo.. gusto ko talaga sya makausap. gusto ko magsabi ng problema. maya-maya.. sa wakas finally nasabi ko din. nakapaggsimula din akong magdrama. "hindi ka lang napichuran nagdadrama kana?" wow. kala nya dahil dun kaya ako nagdrama bigla. pero ang totoo ilang araw ko na un inipon.. weeks.. months.. years... di ako nagsasalita kasi ayoko ng away. pero di ko na kaya. pagod na pagod na ko. sabi ko ayoko na makipagkita sa kanya. sabi ko ayoko na. pagod na ko. sabi ko sawa na ko. sabi ko ayoko na..........

pero wala. ayaw niya. na hindi ko maintindihan. di ko gets. ayaw nya ko mawala pero wala syang ginagawa para mag-stay ako. sinabi ko sa kanya lahat.. kung bat ayoko na. kahit alam naman nya. sabi ko bat ganun.. bat hindi kami normal. bakit ung iba sweet. bat kame hinde? ni hindi nya ko hinahawakan. para syang laging iritado saken. ayaw na ba nya saken. bat gusto nya ko kasama kung naiirita naman sya sa pagmumukha ko. sa ugali ko. kung ayaw nya lahat saken ano na lang pala ang gusto nya? wala na talaga kong nararamdaman.. wala. zero. ang weird... boyfriends are supposed to make you feel beautiful. pero sya kabaliktaran. dahil sa kanya feeling ko ang pangit pangit ko. feeling ko may mali sa ken. feeling ko wlang kagusto-gusto saken. feeling ko ayaw sakin ng buong mundo. dahil sa kanya sobrang bitter ako. bat ganun? umiyak ako.. di ko napigilan. sobrang sama ng loob ko. actually bago un madalas na din akong umiiyak. at ang masaklap pa.. ni hindi man lang nya ko kinomfort. wala. umiyak ako mag-isa. kasi buong oras na nagdadrama ako nagagalit lang sya. galit sya. galit sya kasi nagdadrama ako. kasi nagrereklamo ako. wala daw syang kasalanan. ako daw ang mali. bat ganun? tapos na-realize ko na lang na kagaya ng dati wala rin mangyayari sa pagdadrama ko kahit lumuha ako ng dugo. kaya pinilit ko kumalma. ganun lang. bale naglabas lang ako ng sama ng loob. umiyak lang ako. pero walang na-resolve na issue. walang compromise. walang kahit ano. tapos feeling nia ok na kame. ganun lang. ganun lang lage....

monday kinaumagahan nagtext sya. "nakapasok ka na po?" wow. bago un ah. isa un sa mga "reklamo" ko.. ni hindi man lang sya magtext. kahit gudmorning lang at gudnyt para alam ko kung gising ka na at kung matutulog kana. kamustahin man lang ako isang beses isang araw para mafeel ko naman parte ako ng maghapon nya. mafeel ko man lang na naisip nya ko minsan sa maghapon nya. wala kaming ganun. wala... ang weird diba. pero nangamusta nga sya ngaung umaga kasi "magkaaway" kami the day before. hindi lang isa text nya.. nagtext din sya ng "kumain ka na" "ano gawa mo?" wow. ni isa wla kong nireplayan. kasi NAPLASTIKAN ako. alam ko hindi sya un. hindi sya ganun. nainis din ako sa thought na kailangan ko pa sya sabihan para gawin un.. hindi ba pwedeng kusa? o baka may mali saken.. baka di ako kagusto gusto.. kasi kung gusto mo ung tao gugustuhin mo maging parte ng maghapon nya. hindi ako cute. hindi sya interesado saken. may mali saken. may kulang saken.... ayoko naman ng ganun parang ang lagay e pinilit ko sya. ampangit diba. kung di mo feel edi hinde. wag na lang.

hanggang nung gabi nagtetext sya. na parang walang nangyari the day before. na parang wala akong sinabi. na parang wala kaming pinagtalunan. na parang normal kame. na kinaiinis ko... kasi seryoso ako. seryoso ako na galit ako.. na pagod na ko.. bat binabalewala nya. kala nya ganun lang. itetext nya lang ako. gagawin nya lang ung gusto ko tapos ok na. ayoko na nga diba.. hindi ako nakatiis tinext ko sya.

"sana nakikita mo ung sarili mo. di ka gwapo. di ka mayaman. ni wala kang trabaho pero kung itrato mo ko kala mo kung sino ka. wag mo idahilan ung katayuan mo sa buhay kung ayoko na sayo. kasi kung yun lang ang dahilan matagal na kitang iniwan. di ko nakikita ung pagkukulang mo financially. kahit kelan di ako nagdemand sa aspetong un. kaya tigilan mo ung pag-iinarte tungkol sa estado mo sa buhay. kala mo gusto ko ng mayamang boyfriend. higit pa dun ang kailangan ko. di mo kaya ibigay kahit magkapera ka."

ang totoo gusto ko sya saktan.. gusto ko bumaba ang moral nya baka mabawasan ung kayabangan nya. taas ng ere eh.. wala naman syang kwenta. at nainis ako kasi feeling nya ung pagiging "mahirap" nya ang nirereklamo ko. dahil daw kasi dun kaya di nya naeexpress ung love nya whatever. kelangan ba ng pera pag maga-i love you? may bayad ba un? magkano pa ang isang text? may internet sila sa bahay. mahirap ba mag-PM sa fb? online ako maghapon tambay lang din sya sa bahay. bat di nya ko kamustahin? ang lapit ng bahay nya sa bahay ko. kailangan din ba ng pera pag pupuntahan ako? pag pupunta ako sa kanila naglalakad lang ako... gusto nya mag-tricy ako pero mas gusto ko maglakad tapos itetext ko sya sabihin ko salubungin nya ko meet kami halfway. kinakasama din pala un ng loob nya. wow. ayun na lang nga gagawin nya e. ayun na lang ung effort nya. kinasama pa ng loob nya.

ung mga opismate ko na kasabay ko sa service hinahatid pa ng mga asawa nila tuwing umaga.. madaling araw kasi kami nag-aabang ng service, mejo delikado ata maglakad sa kalsada. aantayin sila makasakay o kaya naman pag may kasama na sa abangan ng service saka lang sila aalis. nakakatuwa diba. ganun ung normal diba. minsan iniisip ko kung lalaki ako ganun ang gagawin ko eh.. pero si Kyo wala. di nya naiisip un. kaya ko naman e. bat nga naman ako papahatid. ang lapit lapit lang naman.

simula nung tinext ko sya kagabi ndi na sya nagtext ulit. pero baka puntahan nya ako sa bahay o kung ano man. ayoko na. ayoko na talaga.

   1 comments

kamote
November 16, 2014   11:18 AM PST
 
Ang haba nmn nyan mae.... Tama! Iwan mo n yan kung walang paki-alam sau... Good decision...

Leave a Comment:

Name


Homepage (optional)


Comments