Entry: Zzzzz Friday, November 21, 2014



Tuwang tuwa ako sa case ng phone ko hehe.. parang customized!

Pangalawa ko na nga pala to in less than a month lol. ayoko na sana magkwento pero sige na nga.. ikukwento ko. hmp.

3rd week ng October bumili ako ng Xperia Z1. 17k lang, hulugan for 2 months. November 11 Sinamahan ko si Kyo sa Pampanga para mag-take ng NAPOLCOM Exams. ayun. sa palengke.. tanghaling tapat.. nawala ung phone ko waha. basta nawala. di ko alam kung nahulog sa bag o may kumuha. malamang may kumuha. muntik pa nga ko magpasalamat kase iniwan nya ung Xperia Neo V ko at ilang bills.

3 days ago bumili ako ng Xperia Z2. 21K, hulugan for 2months. wala lang. gusto ko na kalimutan ung nangyari eh.. un lang. haha. bale ayun na lang utang ko.

ewan ko ano ba nangyari saken.. bat ang mahal ng phone ko? di naman ako dating ganto. pero in fairness magti-3 yrs na saken ung Neo V ko, ngaun lang ako ulit magpapalit ng phone.. saka never ako bumili ng brand new na phone na mamahalin talaga. nag-aantay lang ako ng mga pinagsawaan ng mga friends ko... meron ako dati samsung star 7k ko lang nabili e 9k pa sya sa market nun. gift lang kasi un sa friend ko tapos ayaw nya daw at meron naman syang phone. tapos nagkaron din ako ng black berry na tig-10k pero nakuha ko ng 5k kasi pinagsawaan lang ng friend ko. ung Neo V ko naman 7 months palang sa kanya.. may resibo pa at warranty. almost 16k ang bili nya pero nabili ko lang sa kanya ng 8k. hmm. not bad.

tapos paminsan-minsan bumibili ako ng mga mumurahing phone.. tig-800 na samsung ganun. cherry mobile na tig-900 at 600. hehe. pang extra sim ko lang tapos mga naipamigay ko na din. so technically ngaun nga lang ako talaga magpapalit ng phone. ang mahaaaal. pero laki ng natipid ko kaya feeling ko ok na din. tapos hulugan pa at sakto ung panahon.. panahon na maraming pera. panahon na di mo mararamdaman ung pagwawaldas.

aliw na aliw naman ako kasi ang ganda ng camera saka.. basta maganda. kaso ang laki masyado. o baka hindi lang ako sanay. hmm. sana magsama kami ng matagal :)


   0 comments

Leave a Comment:

Name


Homepage (optional)


Comments