Entry: amsatchaLOSER Tuesday, June 09, 2015



Feeling ko ang loser ko.

Meron akong concert tickets.. isa for The Used saka isa for BIGBANG. Mag-isa lang ako. as in. tapos nag-book din ako ng flight to DAVAO. solo. ang loser diba. bat ganun.. diba usually pag manunuod ka ng concert o may out of town trip meron kang kasama magplano. meron kang gusto isama. may kasama ka mag-decide kung san pupunta. pero ako wala. nag-decide ako mag-isa. naisip ko lang gusto ko. tapos gora na. ganun.

ung sa bigbang con okay lang.. super friendly naman mga kpop fans eh. ung sa The Used mejo kinakabahan ako pero okay lang din siguro. concert un eh.. wala naman siguro makakapansin sakin. wala naman pakialamanan mga tao dun. kaya okay lang siguro kung mag-isa lang ako.

Yung DAVAO TRIP.. ewan ko. mejo windang ako nung mga panahong un tapos biglang may promo sa cebupac. ayun. dati ko pa naman sinasabi parang gusto ko i-try mag-travel mag-isa.. gusto ko lang. pero di ko alam kung kaya ko. pero gusto kong kayanin... kaya ko un diba. waaa... actually nagri-research na rin ako ngaun. iniisip ko pumunta sa Camp@Tagan. at Camp Sabros. syempre ganun ang trip ko eh.. ayoko nung cliche na davao city tour. although gagawin ko din sya kung may time siguro. gusto ko din pala ung crocodile park. at Samal Island. at Passig Islet. hmm. pano ko un pagkakasyahin lahat sa 4D3N?! Norte at Sur. wow! excited na ko hehe. pag natakot ako baka di ko ituloy. tutal Php800 lang un roundtrip. pero sayang diba? dapat wag magbago isip ko!!! anyway, February 2016 pa naman un hehe.

Natatakot talaga ako.. hanggang ngaun nag-aabang ako ng promo para pag meron magbu-book ako para sa mga superfriends. haha.

asan na ba ako. ayun. ang loser ko. andami ko gustong puntahan. panuoring movies. pero.. wala. basta. ang komplikado.

o sya. nag-bday nga pala ako sa Tagaytay. sobrang saya kasi ang ganda din ng IT ko. ikukwento ko sya pag may time hihi :)

   0 comments

Leave a Comment:

Name


Homepage (optional)


Comments