Entry: INGAY! Monday, June 29, 2015



Sabado. Linggo. 8 posts sa instagram. dalawa dun naka-share pa sa facebook. tapos tatlo pang additional posts sa facebook. wow! ang daldal ko haha.

naaawa ako sa sarili ko pag ang daldal ko sa social media. sobrang wala ba akong magawa at walang makausap!? hayy. kawawa.

sabi ko pa naman ayoko na mag-facebook-facebook na yan. minsan talaga nahihiya naman ako... parang feeling ko papansin. ganun. kelangan pa ba talaga ipost!? hinihingi ba nila opinyon ko. interesado ba sila sakin. haha. mga ganun.. kaya minsan nila-logout ko sa phone ko ung fb ko at instagram. e kaso syempre adik. ayun.. may private account ako. lol! dun naman ako mag-iingay or magsu-stalk.

siguro gusto ko lang ng kausap.. or gusto ko lang magsalita. ganun. kaya siguro baka dapat e mag-blog na lang ako. buti pa dito... bahay ko to. may makabasa man neto e di ko na kasalanan un. sinadya nilang puntahan to. hindi ung wala lang silang choice kasi nakita nila sa timeline nila. parang ganun.

ahhh. ano ba iniisip ko. wala naman ako mahalagang pinost. baka nga gusto ko lang magpapansin. pero hindi nga dapat ganun kasi nakakahiya. asan ang pride ko diba. lol. o sya. ganun na nga lang. ciao!

   0 comments

Leave a Comment:

Name


Homepage (optional)


Comments