Entry: WHY Thursday, July 16, 2015



Si Julia.

Si Julia Buencamino. Yung teenstar na nag-suicide.. di ako nanunood TV kaya di ko sya kilala talaga. ngaun ko lang narinig name nya at ngaun ko lang din nakita face nya. nasa newsfeed ko sya last week dahil nga sa suicide nya. nabasa ko lang tapos chika konti. tapos ayun na. malilimutan ko na sya.

kaso nitong monday naman, nakita ko ulit sya sa timeline ko. tungkol naman sa lumabas na queued tumblr post nya. interesante diba.. wala na sya sabay biglang may post sya sa social media edi binasa ko. BAM! PANROMANTIC DEMISEXUAL daw sya. nagulat ako kasi alam nya ung term na un. malalaman mo lang ung term na un kung nagsi-search ka about sexualities eh. nagkataon naman ayun ung obsession ko nitong mga nakaraang araw. dahil nga feeling ko ASEXUAL ako. diba.

DEMISEXUAL - ibig sabihin hindi sya nagkaka-crush hindi sya basta basta naaattract sexually or romantically or naaarouse. maliban na lang kung may super strong emotional bond sila nung tao. ibig sabihin pwede lang sya mainlab or maarouse sa bestfriend nya or sino mang ka-close.

PANROMANTIC - ibig sabihin itong bestfriend na ito or itong taong super close na ito ay pwede maging girl, boy, bakla o tomboy. di nya nakikita yung gender. pag tinamaan sya ayun na un.

sinabi din kasi nya she made out with two girls and ayaw nya sabihin ung reason nya for suicide kasi baka i-judge sya ng mga tao. may nabanggit din sya about queerphobia. So sinasabi ng mga tao ngaun kesyo tomboy daw sya at natakot sya na di sya tanggap ng society blah blah blah. o nalilito daw sya sa pagkatao nya. e hindi naman sya nalilito. alam nya kung ano sya.. panromantic demisexual. asexual. ok. at hindi rin sya natatakot dahil ganun sya. tanggap nya ung sexuality nya.. kasi kung hinde, ndi naman sya papatol sa girl. kokontrahin un ng utak nya.

hindi rin sya lesbian. iba ung lesbian sa asexual. di ko alam bat ang hirap i-explain ng asexuality. o hirap ung iba na intindihin kung ano un. o baka dahil di nila matanggap na meron nga nun. ayaw nila maniwala kaya kinokontra ng utak nila.

sinabi ko din un sa friend kong lesbian. sabi nga nya lesbian daw si julia kasi nga pumatol sa babae. pano ba? ung mga lesbian pag nilandi ng maganda at sexy papatulan nila. or makakita sila ng chick lalo na kung alam nilang patola syempre may instant attraction na. yung panromatic demisexual hinde. nagkataon lang na babae ung friend nya.

alam din nitong friend ko na to ung tungkol sa nadiscover ko sa sarili ko. nakwento ko na sa kanya lahat. sure na sure akong asexual ako. alam ko un.. sexuality ko to eh. pero sabi nya i-try ko daw sa babae baka lesbian daw ako haha. ndi nga ko naaattract sa babae.. super straight girl ako. isa kong gray romantic. hetero romantic. ok!

ang hirap lang kasi wala nga naniniwala saken. pero ndi ko naman sila kelangan maniwala. basta alam ko kung ano ako. feeling ko din naman walang mali saken. anong problema? nagkakaproblema lang naman ako tungkol sa sexuality ko pag may namimilit makipagchorva. syempre ayoko nga diba! so hangga't walang naga-attempt saken super ok ako. ganun lang. pero ang mahirap sa gray romantics... naghahanap ka pa din ng makakasama. posible ba un?? cuddle cuddle lang with someone you really really like tapos hanggang dun lang. ang hirap maghanap ng straight guy na gray hetero romantic. pero may mga nababasa akong "success stories" ng mga girls na kagaya ko. nakapag-asawa naman pero asexual pa din sila. walang nabago kahit may asawa na at masaya naman sila.

30 na ko kaya siguro feeling ko ok na ko. pero nung teenager ako mejo mahirap din.. lagi akong depressed at may suicidal tendencies. naalala ko nga ganun ako.. super emo! halos everyday ako umiiyak. tapos kung iisipin dahil nga un sa asexuality ko. tapos may boyfriend ako. ang hirap.. ang weird. tas ngaun ko lang nalaman na may tawag pala sa "sakit" ko. ngaun ko lang nalaman na ok lang palang ganto ako. na normal lang palang hindi ako normal. hayy. whatever. julia... super na-sad ako talaga. sana nag-cake ka na lang. sana sumali ka sa group namin sa facebook.. maraming kagaya natin. andun maraming susuporta sayo. dun sa group na un di mo masyado mafi-feel na iba ka. kasi may mga kagaya ka. at iaassure ka nila na ok lang na ganto tayo. although di mo pa din sinabi kung ano nga reason mo. baka lang dahil dun.. or partly dahil dun.. atlis siguro baka makatulong pag nalaman mong may kasama ka. or may nakakausap ka man lang about dun. hayy. may binabasa nga pala akong book ngaun.. THIRTEEN REASONS WHY. uhm. tungkol sa babaeng nag-suicide din tapos may iniwan syang casette tape recordings. andun ung 13 reasons nya bakit sya nag-suicide tapos gusto nya mapakinggan un ng mga taong involved. grabe diba. nabasa ko na ung synopsis sa wikipedia. kinilabutan ako. aaargh sana pala di ko binasa. naexcite ako e! tapos magkakaron daw ng movie adaptation. sana matuloy.. 2013 pa un eh. tss. ayun lang muna. nadi-depress ako.

   1 comments

essay writing service
July 22, 2016   10:48 PM PDT
 
The reasons for suicide may be quite diverse. It depends on the emotional state of a person, his financial position and much more. The variety of factors may be reflected there.

Leave a Comment:

Name


Homepage (optional)


Comments