Entry: Hi hello how are you im fine thank u Monday, August 17, 2015



natatawa ko sa timehop ko. meron akong status na plate number ng taxi. seriously!?

naalala ko nga.. mejo madalas ako mag-taxi ako nun papasok ng opis. pag late na.. ganun. tapos kakatakot parang kelangan may mapagsabihan ako kung asan ako at ano plate number nung sinasakyan kong cab. e kaso wala ako matext. wala akong masabihan so status na lang sa social media haha! ndi naman sa totoo kong facebook. ung sa dummy account ko lang din na may iilang superfriends. ang weird.

tapos naalala ko din may nakakausap akong superfriend nun, kalaro ko sa pristontale.. tamang chat lang. since sya ung lagi ko nakaka chat minsan din ako nag-PM sa kanya ng plate number ng taxi. di ko na maalala kung ano sinabi ko sa kanya o kung nagtanong ba sya kung para san un. basta ganun nga ung ginawa ko.

tas naisip ko.. kawawa naman pala ako. bat ganun.. bat wala ako makausap? tapos nung saturday galing akong tarlac umattend ng kasal. 11:30 pm na ko nakauwi tapos wala pa si mama. so scary. gutom ako en everything. nakakapraning kasi nga ako lang sa bahay.. parang naisip ko.. sana may katext man lang ako. "nakauwi na po.. gutom" o kaya sasabihin ko wala si mama.. takot ako. wala. sasabihin ko lang di nya kelangan hatiran ako ng food o samahan ako o kung ano pa man. di nya kelangan magreply. basta may masasabihan lang ako. argh. ang loser ko haha.

o sya may trabaho pa. bukas na ung part two. may kadugtong pa sana tong emote ko e.

   1 comments

custome writing
July 22, 2016   10:44 PM PDT
 
A well-written text is the key to the success of your blog. I think you need the readable articles that will interest your visitors.

Leave a Comment:

Name


Homepage (optional)


Comments